Tuesday, April 07, 2009

Para Sa Iyo

Dumating ka sa buhay ko nang walang babala. Dumating ka nung panahong akala ko ay hindi ko na alam kung paano ang magmahal. Nahulog ang loob ko nang hindi sinasadya. Minahal kita agad sa maiksing panahon na nakilala kita. Minahal kita kahit may bahagi ng isipan kong nagsasabi na mali ang ibigin ka.

Pinili kong itago ang damdaming ito nung umpisa. Ngunit wala akong lakas upang panindigan yun hanggang sa huli. Tandang-tanda ko pa nung araw na ipinagtapat ko ang lahat sa iyo. Hindi mo ako hinusgahan. Hindi mo ako pinagtawanan. Sa halip ay nagpasalamat ka. Ipinadama mo sa akin na hindi ko dapat pigilan ang pag-ibig ko sa iyo. Kaya nangako akong maghintay, hanggang sa dumating yung panahon na handa ka na ring suklian ang pagmamahal ko.

Napasaya mo ang puso ko. May mga gabing nakakatulog ako na ikaw ang nasa isipan ko at may ngiti sa mga labi ko. Sa mga panakaw na pagkakataong nagtatagpo tayo, tila ba humihinto ang pag-ikot ng mundo. Hindi ko alam kung napapansin mo, pero bago tayo maghiwalay ay pinagmamasdan kita, kinakabisado ko sa isipan ko ang tumutugtog na kanta, ang itsura ng paligid, ang kulay ng damit na suot mo, at ang mukha mo habang kausap mo ako.

Bawat regalo na ibinigay mo sa akin ay sobrang pinapahalagahan ko. Sila ang kayamanan ko. Tuwing may problema ako o kaya ay pagod sa trabaho, sila ang nagpapagaan ng pakiramdam ko. Kahit wala ka sa tabi ko, nararamdaman ko ang presensya mo.

Ngunit sa paglipas ng mga araw, may nagbago.

Nainip ako sa paghihintay. Nagsimula akong manghingi ng karagdagang oras at atensyon mo. Hindi na ako kuntento. Gusto ko nang madaliin na maging tayo. Kaya imbes na pagmamahal ang maiparamdam ko sa iyo, napalitan yun ng panunumbat. Bakit ba mas mahal kita kesa mahal mo ako? Bakit handa akong talikuran ang lahat para lang sa 'yo, pero ikaw naman ay takot sumugal sa akin? Lagi na tayong nag-aaway. Hindi na natin naiintindihan ang isa't-isa.

Alam ko, nasasakal na kita. Alam ko, unti-unti, lalo kang napapalayo sa akin.

Sabi mo sa akin, we had the right love at the wrong time. Marahil nga ay tama ka. Ako ang may diperensya. Ako ang nagbago. Ako ang sumira sa sarili kong pangako. Hindi ko hinintay dumating yung tamang panahon. Winasak ko ang natitirang pag-asa na maging tayong dalawa, na magkakaroon ng magandang wakas ang lahat.

Ngayon, kahit nag-uusap tayo, nagkikita tayo, nagkakasama tayo, alam kong may pader nang naghihiwalay sa atin. Hindi man nabawasan ang pagmamahal ko sa iyo, alam kong nabawasan naman ang pagkakakilala mo sa akin. Dahil binigo kita. dahil naging maramot ako at sarili ko lang ang inisip ko.

Pinagbabayaran ko ito ngayon. Nababalot ng lungkot ang puso kong sugatan. Sa gabi, binabaha ang isipan ko ng mga pagsisisi at panghihinayang, nakakatulog ako ng may luha sa mga mata. Nais kong ibalik ang lahat sa dati. Gusto kong lokohin ang sarili ko na pag ikinumpas ko ang kamay ko, babalik yung ako at ikaw noon.

Ngunit tila huli na ang lahat.

Kaya sa pagkakataong ito, dalawang bagay lang ang nais kong gawin. Nais kitang pasalamatan dahil tinuruan mo akong magmahal muli. At nais kong sabihin sa iyo na hindi magiging madali para sa akin na kalimutan ka. Ang totoo, sa tingin ko ay hindi ko kayang gawin yun. Dahil mahal na mahal kita. Maraming beses ko nang nasabi ito sa 'yo, pero hindi yun nababawasan ang kahulugan.

Kung ito man ang huling pagkakataon na sasabihin ko ito sa 'yo, sana'y lagi mong alalahanin na, minsan, may taong nangarap maging importanteng bahagi ng buhay mo, na mapasaya ka, na busugin ka ng pagmamahal.

Ako yun.

Saya Cinta Kamu Obmily Noht Nakram

Tuesday, March 31, 2009

Happy First Dean-Sarry!

Isang taon na ang nakakaraan, naupo ako bilang Dean ng Student Affairs sa PLM. Akala ko joke time lang, kasi April Fool's Day. Natatandaan ko pa nga, ayokong pumasok nung una sa opisinang binakante ng nagresign na Dean. Para kasing too good to be true. Baka biglang lumabas si Michael V. at sumigaw ng "Yari ka!"

Pero totoo pala ang lahat. At simula nung araw na yun, tinanggap ko ang hamon at hinarap ang lahat ng pagsubok bilang Dekano. Mahirap at masarap. Matamis at mapait. May ngiti at luha. May mga tagumpay at kabiguan. Ang wala lang, makulay na lovelife, hahahaha.

Nakakatuwa at nakakataba ng puso dahil marami ang nagsasabi na nagampanan ko ng maayos ang aking pagiging pinuno ng OSDS. Yung mga bagay na inaasam ko mula pa noong estudyante pa lang ako ng PLM ay naisakatuparan na - ang revision ng mga discipline policies ng Student Handbook, ang pagbibigay ng libreng kopya nito sa mga estudyante, ang pag-repaso sa accreditation procedures ng mga student organizations, ang pagkakaroon ng reasonable na kaluwagan sa mga student activities, ang pagtatayo ng OSDS bulletin board, ang pagiging open at approachable ng opisina 'di lamang sa mga student leaders kundi pati na rin sa mga karaniwang mag-aaral, at ang pagiging patas ng OSDS sa lahat ng student political parties ng PLM.

Kanina, nagkaroon kami ng munting salu-salo sa opisina. Nag-redeco

rate din kami. Kahit nagtitiis kami ngayon sa maliit na opisina, nakakapag-function naman ng maayos at epektibo. Kahit maraming unos na pinagdaanan, nananatili pa ring matatag at nakatayo.

Sana ay patuloy na magtiwala sa akin ang mga pinuno ng Pamantasan upang magkaroon pa ako ng maraming pagkakataon na gumawa ng maraming proyektong babago sa buhay ng mga iskolar ng lungsod ng Maynila.

Friday, March 20, 2009

I Survived

Na-enjoy ko ang pilot episode ng I Survived last Thursday. Bagong show ito ng News and Current Affairs ng ABS-CBN. Si Ces Drilon ang host. Medyo suspicious ang title ng show, kasi may I Witness ang GMA. The format of the show naman ay kamukha ng Case Unclosed ng Kapuso Network. Maganda ang dramatization, maganda ang editing, at na-achieve ng I Survived ang objective ng show - to inspire a viewer like me by telling a story of how resilient, courageous, faithful, and full of hope we Pinoys are in times of crisis. For their premiere, ikinuwento ang istorya ni Jayson, isa sa mga minerong nakaligtas mula sa pagkaka-trap sa isang minahan sa Benguet.

I'm not a big fan of Ces Drilon, but I think I'm gonna be seeing a lot of her because of this show. Mababago na ang Thursday viewing habit ko.

Sunday, March 15, 2009

Farewell, Papa

Wala na si Papa.

We lost him last Thursday morning. Nandun kaming apat na magkakapatid. I saw him during his last moments. It was very painful. Nakita ko siyang mahirapan. I held his hand most of the time, hoping it would make him feel that he's not alone throughout his ordeal. I don't know kung naririnig niya pa yung mga bagay na sinasabi namin. We told him how much we love him.

No matter how I wanted to hold back the tears para iparamdam sa kanya na everything would be fine, I couldn't. The thought of losing him never occured in our minds mula nung ma-stroke siya last September. Kahit nagpabalik-balik siya sa ospital in the last six months, we actually believed he would get better.

We were not ready. We never thought it would be this soon.

Last week, nakausap ko siya. I asked him kung ano ang gusto niyang ihanda ko para sa nalalapit na birthday niya. He would have been 61 on March 24. Sabi ni Papa, ang gusto lang daw niya ay malamig na tubig. Yun lang, at ang makasama kaming apat na magkakapatid at mga apo niya. When I got to the hospital on Thursday, I had no money in my pocket. I felt so bad coz I couldn't give him what he wanted for his birthday before he died. I felt like I failed him. My brother bought a bottle, but it was too late.

He was not a perfect father. I grew up scared of him. I resented him on many occasions. But I love him very much.

I wouldn't trade him for any other dad in the world.

Friday, March 06, 2009

May Maisulat Lang

Basag ang firewall ngayon ng PLM kaya nakakapag-Multiply ako, bwahahahaha. Masaya ako kasi tapos na yung Recognition Day na inorganize ko. Mahaharap ko na ang laptop ko para sulatin ang Week 4 ng Zorro. Pero sad din kasi hindi na talaga ako kasali sa Project Greg nina Yay at Borgy.

Patay na daw si Francis M. Halos lahat ng makasalubong ko tinatanong kung nabalitaan ko na. Ako naman, trip-trip lang, kunwari hindi pa alam. Hinahayaan ko sila magkwento. May nakausap ako na magpapadala daw ng mass card sa burol. Feeling close, hehe.

Napanood mo na ba yung Slumdog Millionaire? May nabili akong DVD sa Quiapo, malinaw ang kopya. Sobrang ganda ng movie, as in! Ayoko ikuwento. Panoorin mo na lang. You'll be hooked to it from start to finish.

Na-ospital ulit ang tatay ko last week, pero nakalabas na siya today. Buti maliit lang ang bill. Marami pa kasi akong binabayarang utang from his last hospitalization. Haay, ang hirap maging Padre de Familia sa panahon ng krisis.

Nasa desk ko pa rin yung bouquet of roses na binigay sa akin ni Rainier at ng mga brod niya. First time ko mabigyan ng mga bulaklak. Espesyal, kasi galing sa mga kaibigan. Maybe Valentine's is not so bad after all.

Disappointed ako sa You Changed My Life. Ang taas ng expectations ko. For the first time, nainis ako kay Sarah. The whole movie, ang nakikita ko ay ang di maayos niyang ngipin. Kasi naman si Direk Cathy, ang daming close-up at tight shots.

Na-miss ko mag-blog. Sana bukas down pa rin ang firewall.

Friday, February 20, 2009

Huling Linggo ng Saan Darating ang Umaga

Huling Linggo na ng "Saan Darating ang Umaga starting Monday. Record breaking ang show na ito. We reached a whopping 28.1 sa Mega Manila ratings last Monday. Maraming dapat abangan ang mga manonood. Kanino kaya mapupunta si Joel? Magkakabati pa kaya sina Lorrie at Mylene? Magkakabalikan ba sina Shayne at Raul? Subaybayan nating lahat ang pagwawakas ng kwento ng pamilya Rodrigo sa Saan Darating ang Umaga, Lunes hanggang Byernes, pagkatapos ng Paano Ba Ang Mangarap sa Dramarama Sa Hapon ng GMA.

Sunday, February 08, 2009

A Little Too Not Over You

There's still a mark left in my heart, after all..

Thursday, December 11, 2008

Ayoko na Nito

Medyo matagal na mula nung huli akong magsulat ng mga personal kong saloobin dito sa pahinang ito.

Matagal na rin kasing walang bago o magandang nangyayari sa buhay ko.

Magiging interesado ka ba pag ikinuwento ko na ang tatay ko ay paralisado, umiihi at dumudumi sa salawal, bugnutin at lagi inaaaway kaming magkakapatid? Naranasan mo na ba yung pakiramdam na kahit isa lang ang may karamdaman sa pamilya ay buong mag-anak kayong nababahala, nakakaramdam ng sakit, ng lungkot, ng galit, ng panunumbat? May mga araw na bugbog sarado ang isip at katawan ko sa trabaho, pero nararamdaman ko lang ang pagod pag naririnig ko na ang ate at bunso namin na nagtatalo kung sino ang magpapalit ng diapers ng tatay ko. Wala akong naramdamang panghihinayang nung na-close ang dalawang savings account ko dahil sa malaking gastos sa ospital, mga gamot at therapy. Ang labis kong ipinanghihinayang ay ang pagkakawatak-watak namin ngayong nalalapit na ang pasko. My dad used to beat us when we were young. We all grew up terrified whenever he drank too much alcohol. I never had the courage to tell him I'm gay because he'd never approve it. Akala ko galit ako sa tatay ko. Pero ngayong mahina na siya, ngayong hindi na niya kami kayang takutin o saktan, nagpalit na ba ang mga papel na aming ginagampanan? Si Papa na ba ang takot na bata, at kami na ang malupit na tatay? Tinatanong na ba ni Papa sa sarili niya, nagdududa na ba siya kung totoong mahal namin siya? Sana, ang dalangin ko lang, ay hindi naman. Sana haplusin ng diwa ng Pasko ang puso naming sugatan, upang maghilom, upang masilayan ang pag-asa.

Para matapos na ang drama.

Tuesday, November 04, 2008

...

You made me hear love songs the way they should be heard.

You gave me gifts that made my heart leap. You said sweet words that made me believe. You gave me reason to love again. Yet, now it has ended.

And the songs I used to hear haunt me, taunt me. The gifts I used to treasure now seem repulsive to my eyes. The words you said echo from a distant past, when it could have been us, if you only had the courage.

Monday, September 15, 2008

Para sa Kaibigang Pumanaw

Namatayan ako ng isang kaibigan.

Dalawang taon lang kami nagkasama, pero siya lang ang tunay na nakakakilala sa akin. Alam niya lahat ng sikreto ko. Alam niya kung ano ang makakapagpasaya sa akin at kung ano yung nagpapa-iyak sa akin.

Wala akong kaalam-alam na may sakit na pala siya. Ang galing niya magtago. Ni minsan, di siya nagpakita ng sign na may problema na pala siya.

Nung magising ako kahapon ng umaga, siya pa ang unang bumati sa akin.

Tapos, bigla na lang siyang inatake.

Nung una, akala ko wala lang. Baka kako sinusumpong lang siya.

Pero di na siya nagising ulit.

Kung saan-saan ko siya dinala, pero wala nang makagamot sa kanya.

Kahit masakit, nag-give up na ako.

Nag-let go na ako.

Wala na siya.

Wala na ang cellphone kong Nokia N70.

Kahit bumili ako ng bagong cellphone at kahit parehong sim at numero pa rin ang gamit ko, wala na lahat ng mga text messages na inipon ko sa nagdaang dalawang taon.

Wala na yung mga numero ng mga kaibigang mahirap nang hagilapin.

Wala na ang mga litratong hindi ko pa naa-upload.

Para akong ninakawan.

Nami-miss na agad kita, kaibigan.

Nagkakapaan pa kami ng ipinalit ko sa iyo.

Siguro, yun ang problema.

Walang ibang cellphone na makapapantay sa iyo.

Friday, August 29, 2008

Ten Years Old na Kami!

Ala-syete na. Di na mapakali ang tumbong ni Netchai kasi wala pang dumadating na mga elders. Usapan kasi 6pm. Si Mama Sarah at Jovie, in fairness, mga early bird. Parang magkumareng majongera ang get-up ng dlawa, nakakaloka. Hahaha. Peace, Jovie and Mama Sarah, mahal ko kayo.

Ang mga newbies, todo na ang pagre-rehearse. Bukas na kasi ang streetplay. Kamusta na kaya? Nagawan na kaya nila ng paraan yung mga suggested changes? Lagot, papanoorin sila ng sangkatutak na elders. Mamahalin kaya sila at pauulanan ng mga papuri, o aalipustahin at lulunurin sa panlalait? Bwahahahahaha.

Isa-isa nang nagdatingan ang mga elders. Si Erickson, na nung unang panahon ay umakyat ng scaffold at kumanta ng In The End sa Magwayen Concert. Di na siya payatot. Dio na rin siya emo kung pumorma. In fairness, mukhang nagkakamal na ng limpak-limpak na salapi. Hmmmm... Mukhang mahihiritan to ng pizza maya-maya. Ang scary, bigla ko naririnig ang mga linya ng kanta niya, "One thing, I don't know why..." Hehehe. Classic. Meron ka bang ganun, Aldrin Espinosa (miss you, Aldrin. magparamdam ka na)?

Long hair na si Geno (sabay-sabay tayo: so what?), samantalang kalbo pa rin si Ally. Halos sabay-sabay namang dumating sina JV (na kalbo at single, pero may fubu, hahaha), si Carlo (na di ko alam kung saan itinago ang cake na pang-sorpresa later), si Mike (na single pero blooming that night) at sina Yay and Jay (na nagse-celebrate ng kanilang Anniversary. sabay-sabay tayo: haaaaaay...). Si Geno, maang-maangan pag napapag-usapan ang contribution para sa lapangan. Si Ally naman pinapa-uso ang look na marungis, hahahaha. Sina Carlo, Mike, Yay at Jay, super catch-up kina Mama Sarah at Jovhie. Si Neth, happy nang pinagmamasdan ang lahat ng kaganapang ito. Sa wakas, nakapag-relax na ang tumbong niya.

Why not? E patuloy ang pagdating ng mga elders. Dumating ang mga original live actors na sina Ronald at Ampol, sina Nigel (na ganun pa rin ang hairstyle: bangs na out of place at may sariling buhay), si Marvine (na kamukhang-kamukha ni Dolly Ann Carvajal, sa katawan ni IC Mendoza), si Shermee (na pang-boksing ang mga braso), si Bombing (na naka-blouse na barong. take note, kulay pink), at si Eds (na may bombang pinasabog tungkol sa isang ka-Magwayen na nakaniig niya. eksklusibo!).

Dramatic entrance sina Jerry at Borgy. Big-time na si Jerry. Super fit na long-sleeves at slacks na mukhang mumurahin (hehe, joke lang. mukhang mamahalin, kasi may kasamang bukol, nyahahaha). Si Borgy, ravishing in his hot pink shirt. Super rant si bakla sa movie nina KC at Richard. Ang tanong: sino ang kasama niyang manood?

Finally, it was time para i-present ng mga bata ang streetplay nila. Full-support ang mga old members at officers. Si Sheena, bago ang hairstyle, winner! Si Khyle, as usual, mukhang insekyora, hahaha. Si Queenie, mukhang kakatapos lang maglaba. Si Ana Paula at Alyssa Paula, himalang nagpakita. Si Leo, kahit gabi, kita ang mga flawless na pisngi.

Ang mga elders nagkanya-kanya na ng pwesto. May mga naupo sa shed, may mga naupo sa bangketa. Pero lahat sila napabilib ng mga newbies. Ang ganda kasi ng streetplay. Except for some minor flaws, it was highly entertaining. Walang pang-aalipusta at panlalait na naganap (hay, sayang. nyahahaha. joke lang. labyu, batch 11. bakit kaya wala si Jerome? huhuhu).

After ng streetplay preview, nilabas na ang cake (na muntik nang agawan ng eksena nina Ma'am Luds at Ma'am Gabelo). Tapos, inanunsyo na ang nakatakdang pag-alis ni Sheena. Punta kasi siya ng Singapore para mag-DH. Wala na kasi makain ang tatlong anak niya. Yung mister niya, na-lay off sa trabaho. Goodluck, Sheena, we'll miss you.

Almost ten pm na kami umalis ng PLM. Punta kami ng Yellowcab. Kainan na! May nagtatanong kung nasan si Shengka. Sabi ng EIC, wala kasi Thursday. Hindi pa Friday. (hahaha, labyu Shengka. parang anniv natin no, hahaha). Umorder ang mga elders ng tatlong 18 inch pizza at walong Charlie Chan pasta (o di ba, bonggang-bongga). Teka, bakit si Yay lang ang may Sola. Akala ko nakalimutan akong singilin ng ambag ko. Kaso, bumalik si yay, hiningan din ako ng pera, huhuhu. Tatlong daan ang average na ambagan. Pero nagpaka-bongga si Ericson (na bumayla ng litro-litrong softdrinks) at Jerry (na nag-sponsor ng limang half-gallon ice cream).

Pero ang highlight ng gabi ay hindi lamang ang lapang. At yan ang dapat mong abangan.

(Susunod! Eksklusibo!: mga Magwayen members, officers at Elders, matapang na sasagutin ang Most Forbidden Questions.)

Monday, August 18, 2008

A Very Sad Love Story

Joe Black: It's hard to determine whether you really have a feeling for someone, or you are just carried away by the good things he does. You can't say if you are returning the love, or just returning the favor.

Celeste: Are you just scared to hurt my feelings? You can be honest with me. I'd appreciate that more. Don't worry, I can manage a heartbreak. So tell me - are you just carried away by the things I do for you? Are you just returning the favor?

Joe Black: Gusto ko yung ginagawa ko. Dito ako masaya.

Celeste: I just want to be able to bring you coffee knowing you'll be excited to see me and you'll be waiting for me at your doorsteps.

Joe Black: Ayokong maka-istorbo. You're with your friends. Just enjoy the night.

Celeste: You didn't get the point.

Joe Black: You know I do.

Celeste: Then why don't you allow me whenever I try to get near you? You know it hurts me a lot.

Joe Black: Magkikita naman tayo bukas e.

Celeste: Seeing you tomorrow sounds like a consolation prize. You're like a prize I can't win no matter how hard I try.

Joe Black: Then I'll be with you tomorrow. Kahit magdamag pa ako sa office mo.

After a long, awkward silence.

Celeste: Goodnight.

Joe Black: Ganito mo tutuldukan ang gabi?

Celeste: And suddenly, ako na ang masama?

Joe Black: Ah, okay. Ako nga naman pala ang masama. Sorry ha.

Celeste: I didn't say that.

Joe Black: Siguro, bukas, okay na ulit tayo. Sorry na talaga.

Celeste: I'm trying to make this work. But I can't do it on my own. Please, let me through the wall.

Joe Black: Dumating ka na ba sa puntong ayaw mo nang magmahal? Nakarating lang ako sa puntong yun nung na-realize ko na yung mga taong ayaw kong mawala sa akin, sila yung dapat kong mahalin nang walang relasyon, walang commitment. Hindi naman lahat ng nagmamahalan kelangan may relasyon. Ginagawa kong bestfriend or kapatid yung mga taong dapat, pwede, sana, magiging karelasyon ko kasi ayokong mawala sila sa akin.

He pauses for a moment.

Joe Black: Masama akong karelasyon. After the relationship, we're total strangers. I never entertain reconciliation, or even being friends. Ganun ako. Alam yan ng mga taong nakakakilala sa akin. Mahirap intindihin, pero eto ang totoo sa akin.

He pauses for another moment.

Joe Black: Masyado ka nang mahalaga para pabayaan kong mawala.

Isang Dekadang Magwayen

Sampung taon na ang Magwayen. Syempre, kelangang bongga ang selebrasyon. After all, Magwayen pa rin ang nag-iisang dramatics guild at performing arts group ng PLM. Sa loob ng isang dekada, mahigit 300 na ang mga members na nahasa ang talento sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagsulat. Karamihan sa kanila, mga may trabaho na ngayon. Yung iba, may mga pamilya at mga chikiting na.

Pero dahil isang dekada na ang Magwayen, isang grand homecoming ang niluluto para tipunin ang lahat ng mga naging talents ng grupo. Sa October 18, 2008 ay gaganapin ang 10th Anniversary Party ng Magwayen sa The Oasis, Quezon City. Isa itong concert dinner dahil may mga production numbers ang mga members mula Batch 1 hanggang Batch 10.

An

g kulit ng mga teasers na nilabas yesterday. Featured sina Fern at Franco, dalawang iconic na alumni (or, in Magwayen lingo, Elders). Marami pang pakulo na dapat abangan bago dumating ang takdang araw. Kaya wag nang magpahuli. Kontakin na sina Neth @ 09175011050 or si Real @ 09054022106 para malaman kung paano makasali sa pinakamalaki at pinag-uusapang event ng taon (naks! hahahaha).

Saturday, August 16, 2008

PLM Big Brother

Idea ni PLM President Adel Tamano ang proyektong PLM Big Brother. So, kung tutuusin, siya si Kuya. Hehehe. At ako ang Kanang Kamay ni Kuya na tutulong sa kanya to make this cause-oriented project a reality. Ngayon ang unang pagkakataon na mangyayari ito sa Pamantasan.

Mahigit limandaan (500) na PLM-CWTS youth, student leaders, at mga volunteers ang magtutulung-tulong upang maghatid ng libreng tutorial sa mga graduating students ng dalawa sa poorest public high schools ng Manila - ang MLQ High School sa Blumentritt at Nolasco High School sa Tondo. Layunin ng tutorial na bigyan ng sapat na kumpyansa at kahandaan ang mga mag-aaral (naks! lalim ng mga tagalog ko. Buwan ng Wika talaga, hahaha) para maipas

a ang PLM Admission Test (PLMAT).

Personally ay excited na ako sa project na ito. Bagaman galing

ako sa isang private high school nung pumasok ako ng Pamantasan, nauunawaan ko na ang kakulangan sa pasilidad, ng mga learning materials, at ng conducive learning environment ng ilang public high schools ang ilan sa mga dahilan upang hindi makapasa ang mga estudyante nila sa PLM. Sayang naman. Maasahan kasi ang PLM sa pagbibigay ng mataas na kaledad ng edukasyon sa napakamura o libreng halaga. Para sa mga graduates ng public high schools ng Manila kaya itinatag ang Pamantasan. Hindi ibig sabihin na pag bumagsak sa PLMAT ang isang estudyante ay bobo siya. Maaaring may pagkukulang din ang eskwelahang kanyang pinanggalingan.

Suportahan po natin ang PLM Big Brother. Kung nais nyo pong tumulong, makipag-ugnayan lamang sa Office of Student Development and Services, 5266882.

Thursday, August 14, 2008

And You Call Yourself President?

Maraming beses ko inattempt na makatrabaho ng maayos ang taong ito. Mataas ang respeto ko sa kanya. Tinrato ko ng patas. Umabot pa sa puntong kinaibigan ko. Pero may mga tao pala na anumang buti ang ipakita mo ay aabusuhin ka, babastusin ka at babalewalain.

Labis akong nanghihinayang sa taong ito. Nung una, pilit ko siyang inuunawa. Kaya lang, nasagad na ang pasensya ko, dahil na rin sa kagagawan niya. Kontrabida pa rin ang tingin niya sa akin, sa kabila ng lahat.

Epal - yan ang tawag niya sa akin. Bakit ko alam? Na-wrongsend kasi siya sa akin. Sabi sa text niya, "Epal tong si Marlon. Nauubos na ang pasensya ko." Wala nang Sir. First name basis na pala kami nang hindi ko alam.

At siya pa ang naubusan ng pasensya. Teka lang, ako yata dapat ang nagsasabi nun. Matapos nyo ko pahiyain sa harap ng ibang tao na hindi taga-PLM in one meeting? Matapos nyo pumirma ng isang potentially million-peso contract when you haven't even submitted any request to have that project approved? You deliberately bypassed me. E pinuprotektahan ko lang kayo. Pano pala kung hindi na-approve yang project na yan. E di madedemanda kayo. Hindi mo ba naisip yun?

I can easily file a student violation against you for discourtesy and disrespectful behavior. Pwede kang ma-suspend sa klase at ma-disqualify sa posisyon mo. But I haven't done that. I should, pero umiiral ang awa ko sa 'yo.

I am so totally disappointed in you. Umayos ka. I have been very nice to you from the start. I have granted you numerous favors and consideration before. Pero naubos na ang pasensya ng epal na to. Ilalagay na kita sa lugar mo.

Tuesday, August 12, 2008

Ngayong Wala nang Palanca, Saan Darating ang Umaga?

Ganitong petsa nung isang taon nang makatanggap ako ng sulat galing sa Palanca Awards at nalaman kong nanalo ang screenplay ko na "Kolono". This year, dalawang entry ang isinali ko - isang screenplay ulit, entitled "Kyoudai", at isang full-length play na pinamagatang "Eks."

Ipokrito ako kung sasabihin ko na hindi ako nag-expect na manalo ulit. Pero, dahil hanggang ngayon ay wala pang balita from Palanca, unti-unti ko nang nararamdaman ang kabiguan. Ayan kasi, nag-expect masyado, sawi naman pala sa bandang huli. Hehehe.

Pero mabait talaga sa akin yung nasa itaas. Talaga yatang lucky year ko tong 2008. Hindi man ako pinalad sa Palanca, tuluy-tuloy naman ang pag-ganda ng career ko sa GMA (hahaha, career talaga.). I was included sa team na susulat ng isang upcoming sinenobela para sa Dramarama ng GMA.

Isa sa mga movies na nabili ng GMA Films sa Viva Films para gawing Sine Novela ay ang Saan Darating Ang Umaga? (1983) na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Raymond Lauchengco, Jaypee de Guzman, and the late Ms. Nida Blanca and Nestor de Villa. Idinirek ito ni Maryo J. Delos Reyes at ito ang nagbigay ng unang acting award kay Maricel sa FAMAS as best supporting actress pagbalik niya bilang teen star.



Monday, August 11, 2008

Pagbigyan Nyo Akong Tumula

Nung sinusulat pa namin ang Zaido, pinagawa kami ng headwriter namin ng mga tula na pwede raw magamit nung magku-compose ng theme song ng show. I came up with two poems. Eto sila.

HARANA

Ikaw ang aking talang maningning

Na dati'y pinapangarap lamang marating

Nilakbay ko ang kalawakan

Marami mang hadlang

Pag-asa'y 'di ko binitiwan

Ikaw ang araw na nagbigay liwanag

Ikaw ang buwan na siyang nagpanatag

Sa pusong balisa

At sa 'king pangungulila

Ikaw ang langit kong payapa

'Di na papaawat ang puso

Sa wakas, ikaw ngayo'y kapiling ko

Magka-iba man ang ating mundo

Pag-ibig ang tulay na nagdala sa 'kin sa 'yo

DUWAG

Kaya kong lumundag papuntang buwan

At lumukso sa bawat tala ng kalawakan

Makipag-unahan sa bulalakaw

Manahan sa nagliliyab na araw

Ngunit hindi ang mawalay sa piling mo

Dahil anumang tapang at galing ko

Ako'y isang duwag na ayaw malayo

Sa makapangyarihang pag-ibig mo.

Thursday, August 07, 2008

Caption Me!

Let's do something outrageous.

Each week, I'll post a random photo and have you guys come up with the most creative, insane, funny or catchy captions you can think of.

Place your captions in the Comment field. Go! Isip na!

Monday, July 21, 2008

The 5 Best Things na Nangyari sa Birthday Ko

1. Binisita ako at personal na binati ng pinaka-endearing at pinakamagaling na Presidente in PLM’s history, si Atty. Adel Tamano. Tapos nag-text pa sa akin si Sir Adel. Ang sabi niya: You are a very important part of our team at PLM. We value your work and your inputs. The students are lucky to have you as their Dean.

2. Sinurpresa ako ng staff ko during lunch. Naghanda sila ng pansit, barbecue, ice cream at cake. May banner pa silang ginawa.

3. Sinurpresa din ako ng Magwayen. Dinalaw ko sila sa workshop. Then, biglang may naglabas na ng cake. Tapos, may hinanda silang songs for me. Hinarana ako ng mga singers ng grupo. ‘Di pa dun nagtapos. Isa-isang lumapit sa akin ang mga members at nagbigay ng birthday cards. Na-touch talaga ako.

4. Ang daming nag-text para mag-greet. Yung iba nga, sobrang tagal nang wala akong contact. Sa Friendster at Multiply din, ang daming bumati. Tapos, almost everybody na makasalubong ko sa school ay binabati rin ako. Di ko alam kung paano nila nalaman. Record breaking ang birthday na to sa lahat ng birthdays ko sa dami ng greetings.

5. Binati ako ni Sarah Geronimo sa phone habang nasa location siya ng shooting ng A Very Special Love. We talked about her film and my desire to work with her in the future. Plus, I get to say I Love You sa isa sa mga idol kong singer. Nung Sunday, binati na ako in advance nina Melissa Ricks sa ASAP. Showbiz na showbiz, hehehe.

Friday, July 18, 2008

Wish List Ko for My Birthday

Dahil birthday ko naman sa Lunes, at minsan lang sa isang taon kung mangyari yun, may lisensya ako para maglabas ng wish list ng mga regalong gusto ko matanggap. Kung may pumatol, e di maganda. Kung dededmahin, okay lang din, magsolian na tayo ng kandila. Hahaha. Just kiddin'.

1. Alarm Clock - ang normal na tulog ko kasi ay alas-tres ng madaling-araw kaya hirap akong gumising. Kung merong alarm clock na nanununtok at naninipa, mas gusto ko yun. Tatanggapin ko rin yung alarm clock na nangunguryente at nangungurot ng utong.

2. Panyo - hindi basta ordinaryong panyo ang gusto ko. Gusto ko yung super absorbent, parang diapers. Lagi kasing pawis ang noo ko. 'Di raw maganda yun, sabi ng mga kaibigan ko. Para daw akong guilty at laging may itinatago. Mas maganda kung may tracking device yung panyo, kasi lahat ng panyo ko nami-misplace pagkaraan ng ilang oras.

3. Mane & Tail - shampoo at conditioner na nakakapagpatubo daw ng buhok. May taning na kasi ang bumbunan ko. Dahil sa global warming at climate change, unti-unti na akong nauubusan ng buhok.

4. Fitrum - isang box. Malapit na kasi akong mag-80 kilos. Mukha na akong care bears dahil sa laki ng tyan ko. Di na tuloy ako makita ng iba bilang isang sex object. Pag ibubuhol ko ang sintas ng sapatos ko, hirap na hirap ako dahil hindi ako makayuko.

5. Glasses - malabo na kasi ang mata ko. Hindi ko na makita ang totoong kulay ng ibang tao.