Ayoko na Nito
Medyo matagal na mula nung huli akong magsulat ng mga personal kong saloobin dito sa pahinang ito.
Matagal na rin kasing walang bago o magandang nangyayari sa buhay ko.
Magiging interesado ka ba pag ikinuwento ko na ang tatay ko ay paralisado, umiihi at dumudumi sa salawal, bugnutin at lagi inaaaway kaming magkakapatid? Naranasan mo na ba yung pakiramdam na kahit isa lang ang may karamdaman sa pamilya ay buong mag-anak kayong nababahala, nakakaramdam ng sakit, ng lungkot, ng galit, ng panunumbat? May mga araw na bugbog sarado ang isip at katawan ko sa trabaho, pero nararamdaman ko lang ang pagod pag naririnig ko na ang ate at bunso namin na nagtatalo kung sino ang magpapalit ng diapers ng tatay ko. Wala akong naramdamang panghihinayang nung na-close ang dalawang savings account ko dahil sa malaking gastos sa ospital, mga gamot at therapy. Ang labis kong ipinanghihinayang ay ang pagkakawatak-watak namin ngayong nalalapit na ang pasko. My dad used to beat us when we were young. We all grew up terrified whenever he drank too much alcohol. I never had the courage to tell him I'm gay because he'd never approve it. Akala ko galit ako sa tatay ko. Pero ngayong mahina na siya, ngayong hindi na niya kami kayang takutin o saktan, nagpalit na ba ang mga papel na aming ginagampanan? Si Papa na ba ang takot na bata, at kami na ang malupit na tatay? Tinatanong na ba ni Papa sa sarili niya, nagdududa na ba siya kung totoong mahal namin siya? Sana, ang dalangin ko lang, ay hindi naman. Sana haplusin ng diwa ng Pasko ang puso naming sugatan, upang maghilom, upang masilayan ang pag-asa.
Para matapos na ang drama.
1 comment:
kuya migs. ngayon ko lang nalaman tong blog mo.
nalulungkot ako sa nabasa ko. kahit na sabihin ko na maging masaya ka, alam ko na mahirap pa din. mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon.
sana magparamdam ka sakin :) i'll always be your sister :)
i love you kuya.
Post a Comment