May Maisulat Lang
Basag ang firewall ngayon ng PLM kaya nakakapag-Multiply ako, bwahahahaha. Masaya ako kasi tapos na yung Recognition Day na inorganize ko. Mahaharap ko na ang laptop ko para sulatin ang Week 4 ng Zorro. Pero sad din kasi hindi na talaga ako kasali sa Project Greg nina Yay at Borgy.
Patay na daw si Francis M. Halos lahat ng makasalubong ko tinatanong kung nabalitaan ko na. Ako naman, trip-trip lang, kunwari hindi pa alam. Hinahayaan ko sila magkwento. May nakausap ako na magpapadala daw ng mass card sa burol. Feeling close, hehe.
Napanood mo na ba yung Slumdog Millionaire? May nabili akong DVD sa Quiapo, malinaw ang kopya. Sobrang ganda ng movie, as in! Ayoko ikuwento. Panoorin mo na lang. You'll be hooked to it from start to finish.
Na-ospital ulit ang tatay ko last week, pero nakalabas na siya today. Buti maliit lang ang bill. Marami pa kasi akong binabayarang utang from his last hospitalization. Haay, ang hirap maging Padre de Familia sa panahon ng krisis.
Nasa desk ko pa rin yung bouquet of roses na binigay sa akin ni Rainier at ng mga brod niya. First time ko mabigyan ng mga bulaklak. Espesyal, kasi galing sa mga kaibigan. Maybe Valentine's is not so bad after all.
Disappointed ako sa You Changed My Life. Ang taas ng expectations ko. For the first time, nainis ako kay Sarah. The whole movie, ang nakikita ko ay ang di maayos niyang ngipin. Kasi naman si Direk Cathy, ang daming close-up at tight shots.
Na-miss ko mag-blog. Sana bukas down pa rin ang firewall.
No comments:
Post a Comment