Saturday, August 16, 2008

PLM Big Brother

Idea ni PLM President Adel Tamano ang proyektong PLM Big Brother. So, kung tutuusin, siya si Kuya. Hehehe. At ako ang Kanang Kamay ni Kuya na tutulong sa kanya to make this cause-oriented project a reality. Ngayon ang unang pagkakataon na mangyayari ito sa Pamantasan.

Mahigit limandaan (500) na PLM-CWTS youth, student leaders, at mga volunteers ang magtutulung-tulong upang maghatid ng libreng tutorial sa mga graduating students ng dalawa sa poorest public high schools ng Manila - ang MLQ High School sa Blumentritt at Nolasco High School sa Tondo. Layunin ng tutorial na bigyan ng sapat na kumpyansa at kahandaan ang mga mag-aaral (naks! lalim ng mga tagalog ko. Buwan ng Wika talaga, hahaha) para maipas

a ang PLM Admission Test (PLMAT).

Personally ay excited na ako sa project na ito. Bagaman galing

ako sa isang private high school nung pumasok ako ng Pamantasan, nauunawaan ko na ang kakulangan sa pasilidad, ng mga learning materials, at ng conducive learning environment ng ilang public high schools ang ilan sa mga dahilan upang hindi makapasa ang mga estudyante nila sa PLM. Sayang naman. Maasahan kasi ang PLM sa pagbibigay ng mataas na kaledad ng edukasyon sa napakamura o libreng halaga. Para sa mga graduates ng public high schools ng Manila kaya itinatag ang Pamantasan. Hindi ibig sabihin na pag bumagsak sa PLMAT ang isang estudyante ay bobo siya. Maaaring may pagkukulang din ang eskwelahang kanyang pinanggalingan.

Suportahan po natin ang PLM Big Brother. Kung nais nyo pong tumulong, makipag-ugnayan lamang sa Office of Student Development and Services, 5266882.

No comments: