Tuesday, March 31, 2009

Happy First Dean-Sarry!

Isang taon na ang nakakaraan, naupo ako bilang Dean ng Student Affairs sa PLM. Akala ko joke time lang, kasi April Fool's Day. Natatandaan ko pa nga, ayokong pumasok nung una sa opisinang binakante ng nagresign na Dean. Para kasing too good to be true. Baka biglang lumabas si Michael V. at sumigaw ng "Yari ka!"

Pero totoo pala ang lahat. At simula nung araw na yun, tinanggap ko ang hamon at hinarap ang lahat ng pagsubok bilang Dekano. Mahirap at masarap. Matamis at mapait. May ngiti at luha. May mga tagumpay at kabiguan. Ang wala lang, makulay na lovelife, hahahaha.

Nakakatuwa at nakakataba ng puso dahil marami ang nagsasabi na nagampanan ko ng maayos ang aking pagiging pinuno ng OSDS. Yung mga bagay na inaasam ko mula pa noong estudyante pa lang ako ng PLM ay naisakatuparan na - ang revision ng mga discipline policies ng Student Handbook, ang pagbibigay ng libreng kopya nito sa mga estudyante, ang pag-repaso sa accreditation procedures ng mga student organizations, ang pagkakaroon ng reasonable na kaluwagan sa mga student activities, ang pagtatayo ng OSDS bulletin board, ang pagiging open at approachable ng opisina 'di lamang sa mga student leaders kundi pati na rin sa mga karaniwang mag-aaral, at ang pagiging patas ng OSDS sa lahat ng student political parties ng PLM.

Kanina, nagkaroon kami ng munting salu-salo sa opisina. Nag-redeco

rate din kami. Kahit nagtitiis kami ngayon sa maliit na opisina, nakakapag-function naman ng maayos at epektibo. Kahit maraming unos na pinagdaanan, nananatili pa ring matatag at nakatayo.

Sana ay patuloy na magtiwala sa akin ang mga pinuno ng Pamantasan upang magkaroon pa ako ng maraming pagkakataon na gumawa ng maraming proyektong babago sa buhay ng mga iskolar ng lungsod ng Maynila.

No comments: