Thursday, December 11, 2008

Ayoko na Nito

Medyo matagal na mula nung huli akong magsulat ng mga personal kong saloobin dito sa pahinang ito.

Matagal na rin kasing walang bago o magandang nangyayari sa buhay ko.

Magiging interesado ka ba pag ikinuwento ko na ang tatay ko ay paralisado, umiihi at dumudumi sa salawal, bugnutin at lagi inaaaway kaming magkakapatid? Naranasan mo na ba yung pakiramdam na kahit isa lang ang may karamdaman sa pamilya ay buong mag-anak kayong nababahala, nakakaramdam ng sakit, ng lungkot, ng galit, ng panunumbat? May mga araw na bugbog sarado ang isip at katawan ko sa trabaho, pero nararamdaman ko lang ang pagod pag naririnig ko na ang ate at bunso namin na nagtatalo kung sino ang magpapalit ng diapers ng tatay ko. Wala akong naramdamang panghihinayang nung na-close ang dalawang savings account ko dahil sa malaking gastos sa ospital, mga gamot at therapy. Ang labis kong ipinanghihinayang ay ang pagkakawatak-watak namin ngayong nalalapit na ang pasko. My dad used to beat us when we were young. We all grew up terrified whenever he drank too much alcohol. I never had the courage to tell him I'm gay because he'd never approve it. Akala ko galit ako sa tatay ko. Pero ngayong mahina na siya, ngayong hindi na niya kami kayang takutin o saktan, nagpalit na ba ang mga papel na aming ginagampanan? Si Papa na ba ang takot na bata, at kami na ang malupit na tatay? Tinatanong na ba ni Papa sa sarili niya, nagdududa na ba siya kung totoong mahal namin siya? Sana, ang dalangin ko lang, ay hindi naman. Sana haplusin ng diwa ng Pasko ang puso naming sugatan, upang maghilom, upang masilayan ang pag-asa.

Para matapos na ang drama.

Tuesday, November 04, 2008

...

You made me hear love songs the way they should be heard.

You gave me gifts that made my heart leap. You said sweet words that made me believe. You gave me reason to love again. Yet, now it has ended.

And the songs I used to hear haunt me, taunt me. The gifts I used to treasure now seem repulsive to my eyes. The words you said echo from a distant past, when it could have been us, if you only had the courage.

Monday, September 15, 2008

Para sa Kaibigang Pumanaw

Namatayan ako ng isang kaibigan.

Dalawang taon lang kami nagkasama, pero siya lang ang tunay na nakakakilala sa akin. Alam niya lahat ng sikreto ko. Alam niya kung ano ang makakapagpasaya sa akin at kung ano yung nagpapa-iyak sa akin.

Wala akong kaalam-alam na may sakit na pala siya. Ang galing niya magtago. Ni minsan, di siya nagpakita ng sign na may problema na pala siya.

Nung magising ako kahapon ng umaga, siya pa ang unang bumati sa akin.

Tapos, bigla na lang siyang inatake.

Nung una, akala ko wala lang. Baka kako sinusumpong lang siya.

Pero di na siya nagising ulit.

Kung saan-saan ko siya dinala, pero wala nang makagamot sa kanya.

Kahit masakit, nag-give up na ako.

Nag-let go na ako.

Wala na siya.

Wala na ang cellphone kong Nokia N70.

Kahit bumili ako ng bagong cellphone at kahit parehong sim at numero pa rin ang gamit ko, wala na lahat ng mga text messages na inipon ko sa nagdaang dalawang taon.

Wala na yung mga numero ng mga kaibigang mahirap nang hagilapin.

Wala na ang mga litratong hindi ko pa naa-upload.

Para akong ninakawan.

Nami-miss na agad kita, kaibigan.

Nagkakapaan pa kami ng ipinalit ko sa iyo.

Siguro, yun ang problema.

Walang ibang cellphone na makapapantay sa iyo.

Friday, August 29, 2008

Ten Years Old na Kami!

Ala-syete na. Di na mapakali ang tumbong ni Netchai kasi wala pang dumadating na mga elders. Usapan kasi 6pm. Si Mama Sarah at Jovie, in fairness, mga early bird. Parang magkumareng majongera ang get-up ng dlawa, nakakaloka. Hahaha. Peace, Jovie and Mama Sarah, mahal ko kayo.

Ang mga newbies, todo na ang pagre-rehearse. Bukas na kasi ang streetplay. Kamusta na kaya? Nagawan na kaya nila ng paraan yung mga suggested changes? Lagot, papanoorin sila ng sangkatutak na elders. Mamahalin kaya sila at pauulanan ng mga papuri, o aalipustahin at lulunurin sa panlalait? Bwahahahahaha.

Isa-isa nang nagdatingan ang mga elders. Si Erickson, na nung unang panahon ay umakyat ng scaffold at kumanta ng In The End sa Magwayen Concert. Di na siya payatot. Dio na rin siya emo kung pumorma. In fairness, mukhang nagkakamal na ng limpak-limpak na salapi. Hmmmm... Mukhang mahihiritan to ng pizza maya-maya. Ang scary, bigla ko naririnig ang mga linya ng kanta niya, "One thing, I don't know why..." Hehehe. Classic. Meron ka bang ganun, Aldrin Espinosa (miss you, Aldrin. magparamdam ka na)?

Long hair na si Geno (sabay-sabay tayo: so what?), samantalang kalbo pa rin si Ally. Halos sabay-sabay namang dumating sina JV (na kalbo at single, pero may fubu, hahaha), si Carlo (na di ko alam kung saan itinago ang cake na pang-sorpresa later), si Mike (na single pero blooming that night) at sina Yay and Jay (na nagse-celebrate ng kanilang Anniversary. sabay-sabay tayo: haaaaaay...). Si Geno, maang-maangan pag napapag-usapan ang contribution para sa lapangan. Si Ally naman pinapa-uso ang look na marungis, hahahaha. Sina Carlo, Mike, Yay at Jay, super catch-up kina Mama Sarah at Jovhie. Si Neth, happy nang pinagmamasdan ang lahat ng kaganapang ito. Sa wakas, nakapag-relax na ang tumbong niya.

Why not? E patuloy ang pagdating ng mga elders. Dumating ang mga original live actors na sina Ronald at Ampol, sina Nigel (na ganun pa rin ang hairstyle: bangs na out of place at may sariling buhay), si Marvine (na kamukhang-kamukha ni Dolly Ann Carvajal, sa katawan ni IC Mendoza), si Shermee (na pang-boksing ang mga braso), si Bombing (na naka-blouse na barong. take note, kulay pink), at si Eds (na may bombang pinasabog tungkol sa isang ka-Magwayen na nakaniig niya. eksklusibo!).

Dramatic entrance sina Jerry at Borgy. Big-time na si Jerry. Super fit na long-sleeves at slacks na mukhang mumurahin (hehe, joke lang. mukhang mamahalin, kasi may kasamang bukol, nyahahaha). Si Borgy, ravishing in his hot pink shirt. Super rant si bakla sa movie nina KC at Richard. Ang tanong: sino ang kasama niyang manood?

Finally, it was time para i-present ng mga bata ang streetplay nila. Full-support ang mga old members at officers. Si Sheena, bago ang hairstyle, winner! Si Khyle, as usual, mukhang insekyora, hahaha. Si Queenie, mukhang kakatapos lang maglaba. Si Ana Paula at Alyssa Paula, himalang nagpakita. Si Leo, kahit gabi, kita ang mga flawless na pisngi.

Ang mga elders nagkanya-kanya na ng pwesto. May mga naupo sa shed, may mga naupo sa bangketa. Pero lahat sila napabilib ng mga newbies. Ang ganda kasi ng streetplay. Except for some minor flaws, it was highly entertaining. Walang pang-aalipusta at panlalait na naganap (hay, sayang. nyahahaha. joke lang. labyu, batch 11. bakit kaya wala si Jerome? huhuhu).

After ng streetplay preview, nilabas na ang cake (na muntik nang agawan ng eksena nina Ma'am Luds at Ma'am Gabelo). Tapos, inanunsyo na ang nakatakdang pag-alis ni Sheena. Punta kasi siya ng Singapore para mag-DH. Wala na kasi makain ang tatlong anak niya. Yung mister niya, na-lay off sa trabaho. Goodluck, Sheena, we'll miss you.

Almost ten pm na kami umalis ng PLM. Punta kami ng Yellowcab. Kainan na! May nagtatanong kung nasan si Shengka. Sabi ng EIC, wala kasi Thursday. Hindi pa Friday. (hahaha, labyu Shengka. parang anniv natin no, hahaha). Umorder ang mga elders ng tatlong 18 inch pizza at walong Charlie Chan pasta (o di ba, bonggang-bongga). Teka, bakit si Yay lang ang may Sola. Akala ko nakalimutan akong singilin ng ambag ko. Kaso, bumalik si yay, hiningan din ako ng pera, huhuhu. Tatlong daan ang average na ambagan. Pero nagpaka-bongga si Ericson (na bumayla ng litro-litrong softdrinks) at Jerry (na nag-sponsor ng limang half-gallon ice cream).

Pero ang highlight ng gabi ay hindi lamang ang lapang. At yan ang dapat mong abangan.

(Susunod! Eksklusibo!: mga Magwayen members, officers at Elders, matapang na sasagutin ang Most Forbidden Questions.)

Monday, August 18, 2008

A Very Sad Love Story

Joe Black: It's hard to determine whether you really have a feeling for someone, or you are just carried away by the good things he does. You can't say if you are returning the love, or just returning the favor.

Celeste: Are you just scared to hurt my feelings? You can be honest with me. I'd appreciate that more. Don't worry, I can manage a heartbreak. So tell me - are you just carried away by the things I do for you? Are you just returning the favor?

Joe Black: Gusto ko yung ginagawa ko. Dito ako masaya.

Celeste: I just want to be able to bring you coffee knowing you'll be excited to see me and you'll be waiting for me at your doorsteps.

Joe Black: Ayokong maka-istorbo. You're with your friends. Just enjoy the night.

Celeste: You didn't get the point.

Joe Black: You know I do.

Celeste: Then why don't you allow me whenever I try to get near you? You know it hurts me a lot.

Joe Black: Magkikita naman tayo bukas e.

Celeste: Seeing you tomorrow sounds like a consolation prize. You're like a prize I can't win no matter how hard I try.

Joe Black: Then I'll be with you tomorrow. Kahit magdamag pa ako sa office mo.

After a long, awkward silence.

Celeste: Goodnight.

Joe Black: Ganito mo tutuldukan ang gabi?

Celeste: And suddenly, ako na ang masama?

Joe Black: Ah, okay. Ako nga naman pala ang masama. Sorry ha.

Celeste: I didn't say that.

Joe Black: Siguro, bukas, okay na ulit tayo. Sorry na talaga.

Celeste: I'm trying to make this work. But I can't do it on my own. Please, let me through the wall.

Joe Black: Dumating ka na ba sa puntong ayaw mo nang magmahal? Nakarating lang ako sa puntong yun nung na-realize ko na yung mga taong ayaw kong mawala sa akin, sila yung dapat kong mahalin nang walang relasyon, walang commitment. Hindi naman lahat ng nagmamahalan kelangan may relasyon. Ginagawa kong bestfriend or kapatid yung mga taong dapat, pwede, sana, magiging karelasyon ko kasi ayokong mawala sila sa akin.

He pauses for a moment.

Joe Black: Masama akong karelasyon. After the relationship, we're total strangers. I never entertain reconciliation, or even being friends. Ganun ako. Alam yan ng mga taong nakakakilala sa akin. Mahirap intindihin, pero eto ang totoo sa akin.

He pauses for another moment.

Joe Black: Masyado ka nang mahalaga para pabayaan kong mawala.

Isang Dekadang Magwayen

Sampung taon na ang Magwayen. Syempre, kelangang bongga ang selebrasyon. After all, Magwayen pa rin ang nag-iisang dramatics guild at performing arts group ng PLM. Sa loob ng isang dekada, mahigit 300 na ang mga members na nahasa ang talento sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagsulat. Karamihan sa kanila, mga may trabaho na ngayon. Yung iba, may mga pamilya at mga chikiting na.

Pero dahil isang dekada na ang Magwayen, isang grand homecoming ang niluluto para tipunin ang lahat ng mga naging talents ng grupo. Sa October 18, 2008 ay gaganapin ang 10th Anniversary Party ng Magwayen sa The Oasis, Quezon City. Isa itong concert dinner dahil may mga production numbers ang mga members mula Batch 1 hanggang Batch 10.

An

g kulit ng mga teasers na nilabas yesterday. Featured sina Fern at Franco, dalawang iconic na alumni (or, in Magwayen lingo, Elders). Marami pang pakulo na dapat abangan bago dumating ang takdang araw. Kaya wag nang magpahuli. Kontakin na sina Neth @ 09175011050 or si Real @ 09054022106 para malaman kung paano makasali sa pinakamalaki at pinag-uusapang event ng taon (naks! hahahaha).

Saturday, August 16, 2008

PLM Big Brother

Idea ni PLM President Adel Tamano ang proyektong PLM Big Brother. So, kung tutuusin, siya si Kuya. Hehehe. At ako ang Kanang Kamay ni Kuya na tutulong sa kanya to make this cause-oriented project a reality. Ngayon ang unang pagkakataon na mangyayari ito sa Pamantasan.

Mahigit limandaan (500) na PLM-CWTS youth, student leaders, at mga volunteers ang magtutulung-tulong upang maghatid ng libreng tutorial sa mga graduating students ng dalawa sa poorest public high schools ng Manila - ang MLQ High School sa Blumentritt at Nolasco High School sa Tondo. Layunin ng tutorial na bigyan ng sapat na kumpyansa at kahandaan ang mga mag-aaral (naks! lalim ng mga tagalog ko. Buwan ng Wika talaga, hahaha) para maipas

a ang PLM Admission Test (PLMAT).

Personally ay excited na ako sa project na ito. Bagaman galing

ako sa isang private high school nung pumasok ako ng Pamantasan, nauunawaan ko na ang kakulangan sa pasilidad, ng mga learning materials, at ng conducive learning environment ng ilang public high schools ang ilan sa mga dahilan upang hindi makapasa ang mga estudyante nila sa PLM. Sayang naman. Maasahan kasi ang PLM sa pagbibigay ng mataas na kaledad ng edukasyon sa napakamura o libreng halaga. Para sa mga graduates ng public high schools ng Manila kaya itinatag ang Pamantasan. Hindi ibig sabihin na pag bumagsak sa PLMAT ang isang estudyante ay bobo siya. Maaaring may pagkukulang din ang eskwelahang kanyang pinanggalingan.

Suportahan po natin ang PLM Big Brother. Kung nais nyo pong tumulong, makipag-ugnayan lamang sa Office of Student Development and Services, 5266882.

Thursday, August 14, 2008

And You Call Yourself President?

Maraming beses ko inattempt na makatrabaho ng maayos ang taong ito. Mataas ang respeto ko sa kanya. Tinrato ko ng patas. Umabot pa sa puntong kinaibigan ko. Pero may mga tao pala na anumang buti ang ipakita mo ay aabusuhin ka, babastusin ka at babalewalain.

Labis akong nanghihinayang sa taong ito. Nung una, pilit ko siyang inuunawa. Kaya lang, nasagad na ang pasensya ko, dahil na rin sa kagagawan niya. Kontrabida pa rin ang tingin niya sa akin, sa kabila ng lahat.

Epal - yan ang tawag niya sa akin. Bakit ko alam? Na-wrongsend kasi siya sa akin. Sabi sa text niya, "Epal tong si Marlon. Nauubos na ang pasensya ko." Wala nang Sir. First name basis na pala kami nang hindi ko alam.

At siya pa ang naubusan ng pasensya. Teka lang, ako yata dapat ang nagsasabi nun. Matapos nyo ko pahiyain sa harap ng ibang tao na hindi taga-PLM in one meeting? Matapos nyo pumirma ng isang potentially million-peso contract when you haven't even submitted any request to have that project approved? You deliberately bypassed me. E pinuprotektahan ko lang kayo. Pano pala kung hindi na-approve yang project na yan. E di madedemanda kayo. Hindi mo ba naisip yun?

I can easily file a student violation against you for discourtesy and disrespectful behavior. Pwede kang ma-suspend sa klase at ma-disqualify sa posisyon mo. But I haven't done that. I should, pero umiiral ang awa ko sa 'yo.

I am so totally disappointed in you. Umayos ka. I have been very nice to you from the start. I have granted you numerous favors and consideration before. Pero naubos na ang pasensya ng epal na to. Ilalagay na kita sa lugar mo.

Tuesday, August 12, 2008

Ngayong Wala nang Palanca, Saan Darating ang Umaga?

Ganitong petsa nung isang taon nang makatanggap ako ng sulat galing sa Palanca Awards at nalaman kong nanalo ang screenplay ko na "Kolono". This year, dalawang entry ang isinali ko - isang screenplay ulit, entitled "Kyoudai", at isang full-length play na pinamagatang "Eks."

Ipokrito ako kung sasabihin ko na hindi ako nag-expect na manalo ulit. Pero, dahil hanggang ngayon ay wala pang balita from Palanca, unti-unti ko nang nararamdaman ang kabiguan. Ayan kasi, nag-expect masyado, sawi naman pala sa bandang huli. Hehehe.

Pero mabait talaga sa akin yung nasa itaas. Talaga yatang lucky year ko tong 2008. Hindi man ako pinalad sa Palanca, tuluy-tuloy naman ang pag-ganda ng career ko sa GMA (hahaha, career talaga.). I was included sa team na susulat ng isang upcoming sinenobela para sa Dramarama ng GMA.

Isa sa mga movies na nabili ng GMA Films sa Viva Films para gawing Sine Novela ay ang Saan Darating Ang Umaga? (1983) na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Raymond Lauchengco, Jaypee de Guzman, and the late Ms. Nida Blanca and Nestor de Villa. Idinirek ito ni Maryo J. Delos Reyes at ito ang nagbigay ng unang acting award kay Maricel sa FAMAS as best supporting actress pagbalik niya bilang teen star.



Monday, August 11, 2008

Pagbigyan Nyo Akong Tumula

Nung sinusulat pa namin ang Zaido, pinagawa kami ng headwriter namin ng mga tula na pwede raw magamit nung magku-compose ng theme song ng show. I came up with two poems. Eto sila.

HARANA

Ikaw ang aking talang maningning

Na dati'y pinapangarap lamang marating

Nilakbay ko ang kalawakan

Marami mang hadlang

Pag-asa'y 'di ko binitiwan

Ikaw ang araw na nagbigay liwanag

Ikaw ang buwan na siyang nagpanatag

Sa pusong balisa

At sa 'king pangungulila

Ikaw ang langit kong payapa

'Di na papaawat ang puso

Sa wakas, ikaw ngayo'y kapiling ko

Magka-iba man ang ating mundo

Pag-ibig ang tulay na nagdala sa 'kin sa 'yo

DUWAG

Kaya kong lumundag papuntang buwan

At lumukso sa bawat tala ng kalawakan

Makipag-unahan sa bulalakaw

Manahan sa nagliliyab na araw

Ngunit hindi ang mawalay sa piling mo

Dahil anumang tapang at galing ko

Ako'y isang duwag na ayaw malayo

Sa makapangyarihang pag-ibig mo.

Thursday, August 07, 2008

Caption Me!

Let's do something outrageous.

Each week, I'll post a random photo and have you guys come up with the most creative, insane, funny or catchy captions you can think of.

Place your captions in the Comment field. Go! Isip na!

Monday, July 21, 2008

The 5 Best Things na Nangyari sa Birthday Ko

1. Binisita ako at personal na binati ng pinaka-endearing at pinakamagaling na Presidente in PLM’s history, si Atty. Adel Tamano. Tapos nag-text pa sa akin si Sir Adel. Ang sabi niya: You are a very important part of our team at PLM. We value your work and your inputs. The students are lucky to have you as their Dean.

2. Sinurpresa ako ng staff ko during lunch. Naghanda sila ng pansit, barbecue, ice cream at cake. May banner pa silang ginawa.

3. Sinurpresa din ako ng Magwayen. Dinalaw ko sila sa workshop. Then, biglang may naglabas na ng cake. Tapos, may hinanda silang songs for me. Hinarana ako ng mga singers ng grupo. ‘Di pa dun nagtapos. Isa-isang lumapit sa akin ang mga members at nagbigay ng birthday cards. Na-touch talaga ako.

4. Ang daming nag-text para mag-greet. Yung iba nga, sobrang tagal nang wala akong contact. Sa Friendster at Multiply din, ang daming bumati. Tapos, almost everybody na makasalubong ko sa school ay binabati rin ako. Di ko alam kung paano nila nalaman. Record breaking ang birthday na to sa lahat ng birthdays ko sa dami ng greetings.

5. Binati ako ni Sarah Geronimo sa phone habang nasa location siya ng shooting ng A Very Special Love. We talked about her film and my desire to work with her in the future. Plus, I get to say I Love You sa isa sa mga idol kong singer. Nung Sunday, binati na ako in advance nina Melissa Ricks sa ASAP. Showbiz na showbiz, hehehe.

Friday, July 18, 2008

Wish List Ko for My Birthday

Dahil birthday ko naman sa Lunes, at minsan lang sa isang taon kung mangyari yun, may lisensya ako para maglabas ng wish list ng mga regalong gusto ko matanggap. Kung may pumatol, e di maganda. Kung dededmahin, okay lang din, magsolian na tayo ng kandila. Hahaha. Just kiddin'.

1. Alarm Clock - ang normal na tulog ko kasi ay alas-tres ng madaling-araw kaya hirap akong gumising. Kung merong alarm clock na nanununtok at naninipa, mas gusto ko yun. Tatanggapin ko rin yung alarm clock na nangunguryente at nangungurot ng utong.

2. Panyo - hindi basta ordinaryong panyo ang gusto ko. Gusto ko yung super absorbent, parang diapers. Lagi kasing pawis ang noo ko. 'Di raw maganda yun, sabi ng mga kaibigan ko. Para daw akong guilty at laging may itinatago. Mas maganda kung may tracking device yung panyo, kasi lahat ng panyo ko nami-misplace pagkaraan ng ilang oras.

3. Mane & Tail - shampoo at conditioner na nakakapagpatubo daw ng buhok. May taning na kasi ang bumbunan ko. Dahil sa global warming at climate change, unti-unti na akong nauubusan ng buhok.

4. Fitrum - isang box. Malapit na kasi akong mag-80 kilos. Mukha na akong care bears dahil sa laki ng tyan ko. Di na tuloy ako makita ng iba bilang isang sex object. Pag ibubuhol ko ang sintas ng sapatos ko, hirap na hirap ako dahil hindi ako makayuko.

5. Glasses - malabo na kasi ang mata ko. Hindi ko na makita ang totoong kulay ng ibang tao.

Looming Birthday

Haaay...

3 days to go before I turn 29. I looked in the mirror kanina. I look tired. maybe I should start loving myself more. Maybe I should take it slow, linger in each moment and just enjoy life. I've become an unstoppable machine, living in monotony.

Maybe I should wear a bling, learn hiphop, travel to Uzbekistan, skydive, join the army or just do anything outrageous just to get the blood pumping again.

I'm bored. Maybe it's time to skip this refrain and get to the chorus.

Friday, June 20, 2008

Binibining Pamantasan: Swimsuit Prelude

(Part two of the Binibining Pamantasan: Backstage Exclusives)

Maingay na ang crowd sa Auditorium, hihintay na magsimula ang Binibining Pamantasan. Hindi kami makakapagsimula nang wala ang Scholars Inc. Sila kasi ang backup dancers ng mga kandidata sa opening number. Para kong magha-hyperventilate.

Buti na lang at dumating din agad ang mga dancers. Pina-exit ko na ang mga kandidata sa backstage. Sa audience entrance kasi sila papasok. Nakaposisyon na ang Scholars Inc. Ready na ang lahat. I started the countdown. Three, two, one... Play music.

At sa pag-alingawngaw ng kantang Labels or Love ni Fergie, halos sumabog ang auditorium sa ingay ng audience. Sinisigaw ang pangalan ng mga kolehiyo nila. Blessing in disguise ito, dahil ang mga dancers parang nagre-rehearse lang sa ingay ng counting at batuhan ng instruction sa stage.

It was a delight to watch the candidates dance along. Ang gaganda nilang lahat in their New York Fashionista/Couture Look. Perfect ang opening number. Syempre, sa akin nag-originate ang concept nito e. Walang pakumbaba kong inaangkin, hahaha. But I have to give it to whoever did the choreography. Simple at madaling sabayan.

It was a four minute opening number. Pagkatapos ay bihis na agad ang mga kandidata sa kanilang swimsuit. The hosts, meanwhile, explained the mechanics of the competition and introduced the judges. Sina Miss CME, CHD CPT and CAUP ang pinaka-mabilis kumilos. Pinaka-makupad si Miss CN, CET, at CMC. In fairness, sexy ang mga kandidata. They all looked gorgeous in their blue swimwear. I'm sure a lot of guys would have wanted to trade places with me at that moment. Propesyunal naman ang lahat backstage kaya walang malisya at hiya-hiya.

Nang marinig kong patapos na ang mga host sa pagpapakilala ng mga judges, nag-roll call na ulit ako ng mga kandidata at pinapwesto ko na sila. I gave the signal to the technician na i-play na ang music. Pagpasok ni Miss CN in her swimsuit, dumagundong ulit ang buong auditorium. In the university's forty-three years of existence, ngayon lang nagkaroon ng swimsuit round ang isang school-organized pageant.

Thursday, June 19, 2008

Binibining Pamantasan (The Backstage Exclusives)

Alas-sais na ng gabi, hindi pa rin tapos ang Dance Mania sa PLM Field, kahit maputik ang lupa at umuulan-ulan pa rin.

Samantala, sa labas ng auditorium, galit na ang may dalawang daang tao na gusto nang pumasok at manood ng Binibining Pamantasan. Sabi kasi sa mga posters, 4:00 pm daw ang simula. I had an ominous feeling that the lack of crowd control might start a domino effect of kapalpakan. So, instead of sitting in the audience to watch the show, I went backstage to restore order.

Wala pa ang contestant number 3, si Miss CHD, pagdating ko sa backstage. Si Miss CMC hindi pa nakakapag-makeup, kasi hinihintay pa si Toni, na nagho-host ng Dance Mania. Strictly one P.A. lang ang allowed per contestant, pero yung ibang kandidata may batalyon ng mga stylist. In short, the backstage situation is a disaster.

So I called Mark, the Director and Head Organizer. Sabi ko sa kanya, kelangan ng drastic measures para ma-avert ang krisis. Binibining Pamantasan kasi ang culminating event at ang sobrang inaabangan ng lahat. Hindi ko papayagan na ma-disappoint ang audience by giving them a show na kalat-kalat.

First thing I did was set the deadlines. I gave the organizers thirty minutes before we go open house. Nilagyan ko rin ng doorman ang backstage para wala nang labas-masok at ma-enforce ang rule na one P.A. per candidate only. Then, I asked Mark to rehearse the blockings one last time. Hala, walang markers on stage. Tantyahan ang pwesto ng mga kandidata. Ako pa ang nagdikit ng masking tape sa sahig para masigurong maganda ang blocking ng mga girls later.i ang alloted, at may specific area kung saan sila uupo.

Yung mga headset/walkie-talkies na binigay ko sa mga stage managers, hindi nagagamit ng maayos. So I instructed Maan and Mark how we can maintain steady and clear communication all throughout the show. I also did a pep talk sa mga guests na nauna nang pinapasok sa auditorium, para hindi naman sila mainip. Yung iba kasi, nandun na since 4:00 pm. Finally, I made a company call and instructed all the student council officers present that time kung paano ima-marshall ang mga tao pagpasok. 35 seats per college lang kasi.

At around 6:40 pm, nag-open house na kami. Backstage, pinag-ready na namin ni Maan ang kandidata. Ako ang tao sa stage right, si Maan sa stage left. May pahabol pang problema. Wala pa ang mga dancers ng Scholars Inc. E sila ang opening number. Pinataakbo ni Mark si Maan para sunduin sila. Nakupo! Nakapasok na lahat ng tao, ready na rin ang mga kandidata. Mga dancers na lang ang wala.

Paano kami mag-uumpisa ngayon nyan?

(may karugtong pa...)

Monday, June 09, 2008

Robbed and Back To Zero

Magsha-shopping sana ako last Friday. Pagtingin ko sa wallet ko, wala na yung atm card dun. Medyo nag-worry na ako. Baka naiwan ko kasi sa office or nailapag ko sa kwarto. I tried to remember kung kelan ko huling ginamit. I checked the receipt which I kept from my last transaction. May 29 pa, eight days ago pa. I started to panic.

Pag-uwi ko, hinanap ko agad sa mga gamit ko sa kwarto yung atm card. Wala akong nakita. Yung kabog ng dibdib ko, sobrang lakas na. Lahat kasi ng savings ko ay accessible sa atm card na yun.

Nung di ko na talaga makita, I decided to call the customer service of the bank. I was praying na sana ay secure pa rin yung account ko. But I was in for some really bad news.

Ang sabi nung nakausap ko, there had been several withdrawals as far back as June 2. Ang total daw ng na-withdraw ay P70,000. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kahit nakaupo ako ay naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko.

I also found out na last ten transactions lang ang namomonitor ng customer service. So there’s no way of telling kung P70,000 lang ang na-withdraw o mas higit pa. Worst case scenario, baka nalimas na lahat ng savings ko sa account.

I was so shocked. Ilang araw na palang wala ang atm card sa wallet ko. Hindi ko napansin kasi may cash pa ako na nahuhugot.

Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos akalain na mangyayari sa akin ito. Lahat ng pinagpaguran ko sa GMA at sa PLM, naglahong parang bula.

Ang masakit pa, alam nungg magnanakaw ang pin ko. Ibig sabihin, it’s somebody close to me. It could very well be one of my staff sa office. Sobrang sama tuloy ng loob ko. I felt betrayed. Binalewala ang tiwala at pakikisama ko.

I don’t know how I will be able to manage my finances now. Ang dami pa namang umaasa sa akin. I still have my jobs, but I don’t feel secure at all.

It’s like starting from zero.

Sunday, March 30, 2008

Homecoming

Bukas, unang araw ng Abril, magbabalik-tahanan ako sa Office of Student Development and Services ng PLM.

I will be the Officer in Charge.

Excited ako. At the same time, scared. Sobrang dami ng gusto kong gawin. I hope I can accomplish kahit kalahati lang ng mga pangarap kong mangyari for the students. I know I'll be the Head of Office on borrowed time only. But I intend to make the most of it.

Sunday, March 09, 2008

Not Leaving Pamantasan

Kung si Regine Velasquez, pinagbigyan ng mga Kapuso na ipahatid ang kanyang mensahe, sana ay pakinggan din ako sa sasabihin ko.
Inihambing kasi sa kontrobersya ng muntikang pag-alis ni Regine sa Syete ang muntikan ko nang paglisan sa Pamantasan. Pero di pa yun dun natapos. Hindi itinuloy ni Regine ang plano dahil pinangakuan daw ng maraming shows at mas mataas na sweldo ang Asia's Songbird. Ganun din daw ang rason ko kaya di na matutuloy ang resignation ko - inalok daw ako ng mas mataas na posisyon at mas magandang sweldo ng Higher Echelons ng Pamantasan.
Gusto ko lang pong linawin ang ilang mga bagay-bagay.
Una po, aaminin ko na totoong nagsumite ako ng resignation letter noong March 5th. Bakit? In my letter, I stated that the irreconcilable schedule of my work at PLM and my commitments as a writer at GMA has become a recurring predicament. Bilang isang professional, I want to be able to meet the expectations and deliver outputs that measure up to the standards of my employers.
My boss, Atty. Ernest Maceda, was very gracious and understanding of my dilemma. Nag-usap kami last Friday. We discussed the areas na pinagmumulan ng mga problema. And we were able to resolve the concerns. We agreed on an arrangement that is best for all parties.
My lifelong dream has always been to be a writer. Natupad yun when my screenplays were recognized by the Film Academy of the Philippines and Palanca Awards. It gave way to a career with GMA as a brainstormer/writer. Eto talaga ang passion ko.
Pero itinuturing kong tahanan ang Pamantasan. Narito ang puso ko. Dito ko hinubog ang mga pangarap ko. Dito ko natagpuan ang mga tunay kong kaibigan. Dito ko naranasang magmahal, magtagumpay, mabigo, at bumangong muli.
Mahal ko ang Pamantasan, mahal ko ang mga Iskolar ng Bayan. Tatlong student organization ang aking binuo noong estudyante pa lang ako upang bigyang kulay ang buhay kolehiyo ng mga kapwa ko mag-aaral. Ang Magwayen Creative Scholars' Guild, magsasampung taon na sa August. Di na rin mabilang ang student leaders na na-train ko sa mga Leadership Training Seminars.
There's nothing more fulfilling than being an instrument to help others discover their potentials and the confidence they need to reach their dreams.
Ang punto ko po ay ito: Hindi po totoo na kaya ako mananatili sa Pamantasan ay dahil nasilaw ako sa pangako ng mas malaking sweldo o magarbong titulo't posisyon. Hindi kailangang manligaw ng Top Management Team ng PLM because the best people consider it an honor to work with them.
Mananatili ako dahil patuloy akong pinagkakatiwalaan. I withdrew my resignation because I realized that staying in PLM gives me the chance to fulfill another dream, another passion: to reach out to students, to inspire them, to touch their lives, and to compliment their classroom lectures with the lessons of life, leadership, self worth, integrity and compassion for others.
Marlon Miguel
Kapuso sa Pamantasan

Sunday, February 10, 2008

Torn February

It seems lovers will have themselves fully booked this Valentine's season with two big events: Close Up's Lovapalooza and Clear's Black Valentine's Party. I saw their teaser ads and both were catchy and interesting. Piolo as the black cupid was a good promotional move, as if ostracizing Red as the official color of February was not enough. The Kim and Gerald love team, meanwhile, graced the formulaic Close Up commercial. Nevertheless, there's always room for kilig during Valentine's, so I kinda liked their ad as well. Question is, which one will I go to? Or, perhaps, the bigger question is, will I even attend any at all? Hahaha. I won't give away the answer because that would mean exposing to the world my love life status. Hahaha. I'll keep you guessing.


Tuesday, February 05, 2008

Make Way for PLM's 7th Steward

Big success ang Investiture Ceremony ng 7th President ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, si Atty. Adel Tamano. We spoke right after the program and he seemed pleased. Sana raw ay hindi yun ang swan song ko. Hehehe, si Sir talaga.

Bukod sa ilang minor booboos ay maayos ang naging takbo ng buong program. The processional was smooth. We were done after two and a half hours. During the recessional, I received a lot of handshakes and words of congratulations. Napakasarap ng feeling. Naging worth it lahat ng pagod na ibinuhos ko for this big event.

I arrived early at PLM to make way for last minute cramming. Kelangan pa kasi i-prepare yung press kit na ipamimigay sa mga mediamen sa presscon. Although walang pasok ang mga estudyante that day, nakakatuwa na makita na napakaraming bata ang tumutulong. Mga Tourism students ang pinaka-busy sa lahat as they prepared for the cocktails and reception. Mga student sponsors naman ang kalahati ng mga usherettes na naka-antabay sa mga VIPs at guests. Of course, ang student chorale, rondalla at dance troupe naman ang mga performers namin that day. And finally, several Mass Comm students will help Gemma and me sa program, technicals at coverage ng event.

I am so blessed with my newfound friends na naging karamay ko from the planning stage to the actual ceremony: si Dean Gemma, na masarap katrabaho at kaydaling kausap; si Ma'am Susan na nag-supervise sa mga students na nag-perform sa mga interlude; si Doc Sonny na infectious ang pagiging kalmado kaya nakabawas ng matinding pressure; at syempre ang bossing ko na si Atty. Ernest na sobrang supportive at sobrang understanding.

Atty. Adel Tamano, an accomplished lawyer, educator, writer and academic administrator, was finally inaugurated as Pamantasan ng Lungsod ng Maynila’s seventh president at exactly 5 o'clock in the afternoon.

Sa unang 100 araw niya sa Pamantasan, isinulong ni Atty. Tamano ang mission-based vision ng Pamantasan: a focus on students, strong academic programs, technology improvement, increased emphasis on faculty development, and open and clear communication line with the University’s constituencies.

Atty. Tamano comes from a lineage of law practitioners, starting from his grandfathers (who later became judges) down to his father and uncles. He is the eighth of nine children of the late Senator Mamintal “Mike” Tamano (who himself had built a reputation of statesmanship) and Haja Putri Zorayda Abbas Tamano.

Nagtapos ng Ll.M. si Atty. Tamano mula sa Harvard Law School; tinanggap niya ang kanyang Masteral Degree in Public Administration mula sa University of the Philippines; at nakuha niya ang kanyang Juris Doctor Degree at A.B. in Economics from Ateneo de Manila University.

He and his wife, Rowena, a lawyer herself and a Senior Vice President at an International Bank, have been married 9 years. Atty. and Mrs. Tamano have two sons, Santi, 5, and Mike, 2.

Friday, February 01, 2008

Reality Check

Here's a funny story.
On a previous blog, I wrote about my woes at work and how torn I am right now. I go on mentioning about how I might be forced to consider leaving PLM so I can pursue my dream and my passion for writing.
Then, last Tuesday, Atty. Adel Tamano approched me at my desk and told me he was surprised to see me at work. Hindi ko agad nakuha yung ibig nyang sabihin. So I just replied, "Of course, Sir."
What he told next shocked me. "Well, your blog says otherwise," he said, smiling. I sat there thinking, Oh my God! He read it!
So, my secret is out in the open. Whew, what a reality check. I post my thoughts in this blog, never fully realizing that there are actually people reading it. I'm such a dumbass, hahaha.
PS: Atty. Tamano, ever the gentleman, spoke to me again later in the afternoon. "Let's talk after the Investiture. We can't lose you here." I am so touched. Now, I'm all confused again.

Tuesday, January 29, 2008

Investing Adel

In a few days ay gaganapin na ang Investiture Ceremony para kay Atty. Adel Tamano, ang 7th President ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Siguro ay sobrang bilib talaga sa akin ang boss ko na si Atty. Ernesto Maceda Jr. dahil ako ang ginawa niyang co-director at writer para sa event na ito. Simula pa noong December ay puspusan na ang research na ginagawa namin para siguruhin na pulido at tama lahat ng plano at preparasyon para sa pinaka-prestigious at bigating okasyon sa PLM sa loob ng napakaraming taon.

Nakakalula ang guest list – si Presidente Erap, ang mga senador na sina Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Mar Roxas (kasama syempre si Korina Sanchez), Jamby Madrigal, at Jinggoy Estrada, at mga mayors na sina Jejomar Binay, Alfredo Lim at JV Ejercito. Imbitado rin ang mga members ng diplomatic community at mga presidente ng iba’t-ibang private, state at local colleges and universities.

Pero hindi lang sa paggawa ng script at pagdidirek nakatuon ang pansin ko. Subsob rin ako sa pagdi-design ng mga banners to promote the event at iba pang graphic materials na gagamitin as part of the set decoration for the venue – sa Justo Albert Auditorium. Ako rin ang nag-design ng program insert at sumulat ng ilang write-ups for the souvenir program. Would you believe, pati printed message ni Mayor Lim ay ako rin ang nag-compose. Haynaku, masyado kasi akong nagpakita ng kabibuhan kaya tinatambakan ako ng assignment. Wala naman akong reklamo.

Nalulungkot lang ako dahil kahit paano ay naapektuhan na nito ang work ko sa GMA. To think na nung pagbalik ko sa PLM ay ipinangako ko sa sarili ko na GMA ang priority ko at mas uunahin ko ito above my work in PLM. Dahil dito sa Investiture, parang nagkabaligtad na.

Today ay may meeting kami for our new show sa GMA Telebabad (Primetime) – ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita. I decided na mag-absent sa PLM. Mami-miss ko ang final dry run ng Investiture Program. I know I’ll be accused na nang-iiwan sa ere. Pero hindi naman totoo yun. Tapos na ang script. May co-director naman akong pwede mag-take charge sa rehearsals. Nagawa ko na rin ang program at lahat ng graphic designs. When Atty. Maceda expressed concern about my attendance during the event itself, I assured him naman na nandun talaga ako. Anuman ang ma-miss ko sa dry run, makikibalita ako at agad na magpapaturo para maka-catch up ako.

Ang hindi ko lang kasi papayagan na mangyari pa ay ang mag-absent ulit sa mga meeting ko with the Creative Team of Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Ayokong magpasaway dahil ayoko matanggal sa show.

Alam ko kung gaano ka-importante ang investiture para kay Atty. Tamano. It’s one way for him to step into the limelight and establish network with the rest of the country’s academic community. When he decides to run for office in the future, isa ito sa makakatulong sa kanya.

Ako, wala naman akong pangarap na maging senador. Gusto ko lang makapagsulat sa pelikula at tv. Kaya kung di ko na talaga makakayanan ang maglingkod sa dalawang amo, alam ko na kung ano ang pipiliin ko. Susundan ko ang pangarap ko. Pero kahit ganito man ang pasya ko, hindi ako mambibitin at mang-iiwan sa ere ng mga taong napamahal na rin sa akin.

Naging napakabuti sa akin nina Atty. Maceda at Atty. Tamano. Nagpapasalamat ako sa laki ng tiwala na ibinigay nila sa akin. Marami akong natutunan sa limang buwan ng pagtatrabaho ko sa Office of the President and Executive Vice President. Sa tingin ko ay nasuklian ko naman yun sa paraang alam ko.

Nais kong isipin na magiging masaya sila para sa pasyang gagawin ko. Kung kailan, hindi ko pa masasabi sa ngayon. Ngunit nalalapit na ang araw na yun. Nararamdaman ko.

Friday, January 25, 2008

Paalam Zaido

Damisa Grita!
After almost 20 weeks sa primetime ay nakatakda nang magpaalam ang Zaido. Yup, nasulat na po ng creative team ang finale ng kauna-unahang metal hero serye sa pinoy television. Bitter sweet ang pakiramdam. Masarap isipin na naging bahagi kami ng show na namayagpag sa ratings at tinangkilik hindi lamang ng mga bata kundi maging ng mga young at hearts. Masarap marinig na na we've won the approval and respect of even the most die-hard Shaider fanatics. Pero nakakalungkot din dahil dalawang linggo na lang ay magwawakas na ang lahat. We will miss the adventures of Alexis, Gallian and Cervano. How we want to write more stories and take them beyond far reaches of the universe. Pero, gaya ng bawat aklat, ang kwento'y dapat magtapos.
Sa inyong lahat na walang sawang sumubaybay, sa lahat ng nagbigay ng mga komento at suhestyon upang higit naming mapaganda ang programa, sa lahat ng sumuporta at nagpahayag ng papuri at paghanga, sa lahat ng aming kritiko na humamon sa amin upang lalo pang galingan, KAMI PO AY NAGPAPASALAMAT.
Hanggang sa muli.

Sunday, January 06, 2008

Starting the Year Clean

Maganda ang pasok ng new year ko. I have a new resolve. Well, actually, naging resolve ko na rin siya in the past, pero di ko lang napapanindigan in the long run. This will be my fourth try. I'm quitting smoking. Cold turkey again.
Today is my 7th day of being clean. May mga instances na nagke-crave ako. At this point, nakakaya ko pang labanan. Ang worry ko, baka gaya ng mga previous attempts ko, bumalik ulit ang bisyong ito after five or six months. This time, gusto ko nang maging permanent ang pagtalikod ko sa paninigarilyo. Concerned na rin kasi ako sa health ko.
Go! Kaya ko to!

Tuesday, January 01, 2008

PASKO PAKSIW

Natatandaan ko pa how excited I was nung unang lumabas sa Finale ng Asian Treasures yung mga ideas at suggestions ko. I felt na naging importanteng bahagi ang mga yun nung last episodes ng show. Although I didn’t write the script, I was proud na nakatulong ako para tumakbo yung kwento.

Fast forward, five months later. After missing the chance to write Week 6 of Zaido, my headwriter finally gave me my biggest break – he assigned me to write Week 13. Ako ang gagawa ng buong treatment at susulat ng five-day script! Oh my God!!! This is it! Writer na talaga ako!

Pero hindi pala ganun kadali. Nung umpisa, nahirapan akong gawin yung Sequence Treatment. Eto bale yung framework ng script, parang outline o summary ng mga mangyayari sa kwento. When I presented my first draft, ang daming portion ang nabaril (pinabago or pinatanggal) during our brainstorming session. So I had to revise.

At that point, wounded na ang confidence ko. I was beginning to question kung kaya ko ba talagang gawin yung script gayong treatment pa lang ay parang gusto ko nang sumuko. It didn’t help na sumasabay pa ang trabaho ko bilang Executive Secretary sa PLM. It took me a couple of days bago ko nasubmit yung second draft.

I was both anxious and terrified na malaman kung paano tatanggapin ni Sir Don ang revisions na ginawa ko. But when I read his comments, medyo nakahinga na ako ng maluwag. Walang negative comments at konti na lang ang pinapabago. Nakatulong din yung pag-uusap namin sa telepono. He made me feel at ease, na everything will be okay at walang dahilan para mag-worry ako ng husto. Bumalik na ulit yung confidence ko.

I started writing the script on Saturday. Hala! Hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko. It took me almost a week bago matapos. Nasagasaan pati yung pag-akyat ko sa Baguio with a group of friends. Araw ng Biyernes ay tarantang-taranta na ako. I promised to submit the finished script that day. Alas-onse pasado na ng gabi nang matapos ako sa pagsusulat. Hindi na tuloy kami nakapag-dinner ng friends ko.

Nakupo! Lagot ako kay Sir Don. Tapos, yung Program Info ng Week 11 na ako rin ang dapat gumawa, hindi ko pa nasisimulan. I read the finished script over and over again. Satisfied naman ako sa final output. Although Sir Don didn’t really give me a deadline, I made a promise kasi that I’d send it on Friday. Kaya sobrang guilty ako when I emailed it to him Saturday morning.

He called me Saturday night. Akala ko papagalitan niya ako. Super apologize ako. Pero hindi pala yun ang reason kaya siya tumawag. May itinanong lang siya, something for our new project Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Imagine my relief. After that call, nakapag-enjoy na rin ako sa wakas in Baguio.

Based sa initial calculations ko, papatak ng December 17 to 21 ang Week 13. Pero dahil sa pag-eextend ng airing ng mga previous weeks, na-push yung sinulat ko to December 24 to 28. Sir Don congratulated me after he read the script. Meron lang siyang minor revisions. Sabi niya, “not bad for a beginner.” Nakakataba ng puso. Nakalimutan ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko para gawin yung script. Looking back, it was a learning experience. Ite-treasure ko yun for the rest of my writing career.

I was overwhelmed when I watched the episodes I wrote on TV. It started airing on Christmas Eve. I was in awe. Five months ago, isang pangarap lang ang makapagsulat for a show. Now, it is finally a reality.

Paulit-ulit akong nagpapasalamat kay Sir Don sa ibinigay niyang tiwala sa akin at sa pagiging mabuting kaibigan at mentor. Sa Christmas message niya sa akin, sabi niya he’s looking forward to my full bloom as a writer in 2008. Don’t worry Sir Don, patuloy akong magsisikap. I will strive really hard to continue improving. Hindi kita bibiguin (naks! Hehehe).

Sa family ko na mini-fans club ko, salamat sa mga compliments at sa umaapaw ninyong pagmamahal sa akin. You have always believed in me. Mas nai-inspire ako dahil alam kong nandyan kayo lagi for me.

Sa mga kaibigan ko, sa Magwayen, sa Tugon, sa OPres, sa GMA, maraming salamat din sa lahat ng suporta, paalala at pangaral. Kayo ang pinagmumulan ng mga kwento ko. Kayo ang dahilan kung bakit sa dami ng mga nararating ko ay patuloy akong bumabalik at tumatapak sa lupa.

Lord, salamat po sa talent. Salamat sa pagtuturo sa akin ng landas na ito. Napakabuti mo, napakaraming blessings ang dumadating sa buhay ko. Alam ko po na madalas ay pasaway ako. Pagpasensyahan nyo po sana ako. Babawi na lang po ako.

Sa mga bumabasa nito na may pangarap, wag kayong matakot na sumugal o tumaya. Wag kayong susuko hanggat di nyo nararating ang gusto nyo marating. Wala nang mas sasaya pa kesa sa gumising isang umaga na alam mong ipinaglaban mo ang pangarap mo at nakamit mo ito.

Masaya ako dahil ipinaglaban ko ang pangarap ko. At nakamit ko ito.