Monday, July 09, 2007

KUDOS

Kudos sa lahat ng mga new members ng Magwayen. Napakahalaga ng taong ito, at napaka-importante ng papel na inyong gagampanan upang masiguro at mapanatili ang pamamayagpag ng ating samahan sa loob ng Pamantasan. Kahit na pilit tayong pinupulaan at iniintriga ng ibang taong nasa kapangyarihan ay 'di pa rin tayo natitinag. Nakawin man nila sa atin ang ating Adviser, ipitin man ang ating mga papeles, takutin o hiyain man ang ilan sa atin sa harap ng ibang tao para lang magpabibo at magpapogi, nakatyo pa rin tayo at naninindigan.

Tayo pa rin ang nag-iisang Tunay at Opisyal na Theater Group ng PLM!

Sa mga sumubok na kami'y sirain, at mangangahas pang sumubok sa hinaharap, sige lang. Makikita nyo pa rin kaming magkakabigkis ang mga kamay, nagtatanghal, nagbubunyi.

Kudos Magwayen!

No comments: