Tuesday, March 31, 2009

Happy First Dean-Sarry!

Isang taon na ang nakakaraan, naupo ako bilang Dean ng Student Affairs sa PLM. Akala ko joke time lang, kasi April Fool's Day. Natatandaan ko pa nga, ayokong pumasok nung una sa opisinang binakante ng nagresign na Dean. Para kasing too good to be true. Baka biglang lumabas si Michael V. at sumigaw ng "Yari ka!"

Pero totoo pala ang lahat. At simula nung araw na yun, tinanggap ko ang hamon at hinarap ang lahat ng pagsubok bilang Dekano. Mahirap at masarap. Matamis at mapait. May ngiti at luha. May mga tagumpay at kabiguan. Ang wala lang, makulay na lovelife, hahahaha.

Nakakatuwa at nakakataba ng puso dahil marami ang nagsasabi na nagampanan ko ng maayos ang aking pagiging pinuno ng OSDS. Yung mga bagay na inaasam ko mula pa noong estudyante pa lang ako ng PLM ay naisakatuparan na - ang revision ng mga discipline policies ng Student Handbook, ang pagbibigay ng libreng kopya nito sa mga estudyante, ang pag-repaso sa accreditation procedures ng mga student organizations, ang pagkakaroon ng reasonable na kaluwagan sa mga student activities, ang pagtatayo ng OSDS bulletin board, ang pagiging open at approachable ng opisina 'di lamang sa mga student leaders kundi pati na rin sa mga karaniwang mag-aaral, at ang pagiging patas ng OSDS sa lahat ng student political parties ng PLM.

Kanina, nagkaroon kami ng munting salu-salo sa opisina. Nag-redeco

rate din kami. Kahit nagtitiis kami ngayon sa maliit na opisina, nakakapag-function naman ng maayos at epektibo. Kahit maraming unos na pinagdaanan, nananatili pa ring matatag at nakatayo.

Sana ay patuloy na magtiwala sa akin ang mga pinuno ng Pamantasan upang magkaroon pa ako ng maraming pagkakataon na gumawa ng maraming proyektong babago sa buhay ng mga iskolar ng lungsod ng Maynila.

Friday, March 20, 2009

I Survived

Na-enjoy ko ang pilot episode ng I Survived last Thursday. Bagong show ito ng News and Current Affairs ng ABS-CBN. Si Ces Drilon ang host. Medyo suspicious ang title ng show, kasi may I Witness ang GMA. The format of the show naman ay kamukha ng Case Unclosed ng Kapuso Network. Maganda ang dramatization, maganda ang editing, at na-achieve ng I Survived ang objective ng show - to inspire a viewer like me by telling a story of how resilient, courageous, faithful, and full of hope we Pinoys are in times of crisis. For their premiere, ikinuwento ang istorya ni Jayson, isa sa mga minerong nakaligtas mula sa pagkaka-trap sa isang minahan sa Benguet.

I'm not a big fan of Ces Drilon, but I think I'm gonna be seeing a lot of her because of this show. Mababago na ang Thursday viewing habit ko.

Sunday, March 15, 2009

Farewell, Papa

Wala na si Papa.

We lost him last Thursday morning. Nandun kaming apat na magkakapatid. I saw him during his last moments. It was very painful. Nakita ko siyang mahirapan. I held his hand most of the time, hoping it would make him feel that he's not alone throughout his ordeal. I don't know kung naririnig niya pa yung mga bagay na sinasabi namin. We told him how much we love him.

No matter how I wanted to hold back the tears para iparamdam sa kanya na everything would be fine, I couldn't. The thought of losing him never occured in our minds mula nung ma-stroke siya last September. Kahit nagpabalik-balik siya sa ospital in the last six months, we actually believed he would get better.

We were not ready. We never thought it would be this soon.

Last week, nakausap ko siya. I asked him kung ano ang gusto niyang ihanda ko para sa nalalapit na birthday niya. He would have been 61 on March 24. Sabi ni Papa, ang gusto lang daw niya ay malamig na tubig. Yun lang, at ang makasama kaming apat na magkakapatid at mga apo niya. When I got to the hospital on Thursday, I had no money in my pocket. I felt so bad coz I couldn't give him what he wanted for his birthday before he died. I felt like I failed him. My brother bought a bottle, but it was too late.

He was not a perfect father. I grew up scared of him. I resented him on many occasions. But I love him very much.

I wouldn't trade him for any other dad in the world.

Friday, March 06, 2009

May Maisulat Lang

Basag ang firewall ngayon ng PLM kaya nakakapag-Multiply ako, bwahahahaha. Masaya ako kasi tapos na yung Recognition Day na inorganize ko. Mahaharap ko na ang laptop ko para sulatin ang Week 4 ng Zorro. Pero sad din kasi hindi na talaga ako kasali sa Project Greg nina Yay at Borgy.

Patay na daw si Francis M. Halos lahat ng makasalubong ko tinatanong kung nabalitaan ko na. Ako naman, trip-trip lang, kunwari hindi pa alam. Hinahayaan ko sila magkwento. May nakausap ako na magpapadala daw ng mass card sa burol. Feeling close, hehe.

Napanood mo na ba yung Slumdog Millionaire? May nabili akong DVD sa Quiapo, malinaw ang kopya. Sobrang ganda ng movie, as in! Ayoko ikuwento. Panoorin mo na lang. You'll be hooked to it from start to finish.

Na-ospital ulit ang tatay ko last week, pero nakalabas na siya today. Buti maliit lang ang bill. Marami pa kasi akong binabayarang utang from his last hospitalization. Haay, ang hirap maging Padre de Familia sa panahon ng krisis.

Nasa desk ko pa rin yung bouquet of roses na binigay sa akin ni Rainier at ng mga brod niya. First time ko mabigyan ng mga bulaklak. Espesyal, kasi galing sa mga kaibigan. Maybe Valentine's is not so bad after all.

Disappointed ako sa You Changed My Life. Ang taas ng expectations ko. For the first time, nainis ako kay Sarah. The whole movie, ang nakikita ko ay ang di maayos niyang ngipin. Kasi naman si Direk Cathy, ang daming close-up at tight shots.

Na-miss ko mag-blog. Sana bukas down pa rin ang firewall.