HAWLA: Revisited
It was a really busy week.
We had a concert last Monday , kasabay ng Foundation Day ng PLM. It was called MPOP. Ang daming tao, kaya ang laki rin ng pressure sa amin. It's always scary to perform at the Tanghalang Bayan. But we pulled it off. Superb ang mga dance production numbers. May surprise guest appearance pa ni Aicelle Santos.
After the concert, wala pa ring pahinga. Rehearsals naman kami for the play Hawla. Wala nang time for overnight kaya nagkasya na kami sa ilang oras na practice sa school. I had to be there, kasi, for the first time in nine years, kasali ako sa cast ng play. I'm Dick in the story, isang horny yet sex-deprived boyfriend. Hahaha!
Friday morning, ang call time was 8:00 AM. I was earliest na dumating. Kahit kelan, pasaway ang Magwayen pagdating sa punctuality. It seems that some bad habits are not easily shaken off, kahit pa siyam na taon na ang grupo.
Then, we had a problem sa venue. Gagamitin daw ang Forum Hall sa klase ng mga Medicine students. We had to move the play to the Audio Visual Room. Almost 11 AM na kami naka-settle sa AVR. Nakapag-run through lang kami nung 12:30 PM na. Medyo nag-argumento pa kami ni Borgy, the director, kung ikakansela ang 1st show. Buti na lang at nagkasundo kami na i-move na lang ng 2:00 PM ang unang show.
Pagsapit ng alas-dos , marami na daw tao sa labas ng AVR. Naiinip na nga daw yung iba. Pero 'di pa rin tapos ang mga sakit ng ulo. Yung sound system kasi, di mapagana. Ayaw magsimula ni Borgy nang walang music. So we had to stall some more.
Around 2:30 PM, we finally lifted the curtains (well, figuratively). Patok ang opening scene. Hilarious ang mga comical na eksena. Ang lakas ng tawanan ng mga tao. Bentang benta ang tandem nina Ampol at Shiela. And then, sumunod na ang mga monologues.
Unang-una si Bombing, to think na siya ang kahuli-hulihang actor to join the cast. I had initial doubts that he could deliver the depth of his role. Pero nasorpresa ako sa galing ng akting ng bata. Sumunod sa kanya si Marvin. He wasn't the first choice for the part. Pero destined yata si Marvin to play the role of Eric. Maraming nadala sa acting niya. I can't imagine the play with a different Eric.
Yung spot namin ni Len ang breather sa dalawang naunang dramatic monologues. Len gave a believable performance bilang si Rona, ang kikay at malanding virgin. I came up with an adlib na 'di ko inakalang magiging patok na punchline. Ang sarap pakinggan yung malakas na tawanan ng audience.
Joseph came in next. Ang bagito ng Magwayen. He had the longest monologue. Demanding din yung role. Aminado naman si Joseph na nahirapan siya. Pero na-capture din niya ang audience with his tale of the prodigal son addicted to drugs.
Excited ako sa eksena nina Ampol and Alyssa. Intense kasi yung spot nila. As usual, very reliable yung performance ni Alyssa. Napa-iyak nila ni Ampol ang karamihan sa mga manonood. Ampol was delightful to watch as he combined good comedic timing with drama. Si Ronald ang ka-alternate ni Ampol bilang Joy. Superb ang acting ni Ronald, napaka-heartfelt. It was a testament na hindi lang siya magaling magpatawa, kundi pati rin sa hardcore drama.
Ang pinakaabangan ng lahat ay ang pagsalang ni Shiela. Isang veteran stage actress na si Shiela 'di lamang sa mga Magwayen plays kundi pati na rin sa grupo niya, ang Student Theater. Halos gumulong na ang audience sa kakatawa. Natural na natural ang akting ni Shiela bilang pokpok na nagbagong buhay. Aliw na aliw sa kanya ang lahat.
Bukod kay Alyssa, isa rin sa mga bankable actresses ngayon ng Magwayen ay si Anna Paula. As Lorna, kinainisan siya ng audience sa kanyang pagiging bitch at nymphomaniac. Ibang lebel ang akting ni Paula. Para bang ang tagal-tagal na niyang ginagawa yun.
3 comments:
God bless po sa magwayen!
ISANG MATAGUMPAY NA PAGTATANGHAL NA NAMAN NG MAGWAYEN CREATIVE SCHOLARS' GUILD.
VIDAL CONDICION
i remember doing hawla february 17, 1998 in justo albert auditorium together with Monica Serrano(BSN), Rhea(BSN), Joeraf(ECE), Rocky Fulgencio(BSE), Mike Millares(BMC), Shengka Mangahas(BMC), Glenmarc ANtonio(BMC), Raf(BSE), Imelda Yumul(BSPsych), Kittin ArgaƱa(BS Psych)...(i forgot the other cast members hihihi)
from being a "saling pusa" to a "diwata" ganyan ako natuto s Magwayen. too bad i wasn't able to watch hawla again but im definitely sure that the people behind the production really worked hard. Congratulations to our 10th year anniversarry.
(Archibald Santos who did my make up before in hawla[muka akong baklang clown], an auxilliary member of MCSG, is one of the members of Maybelline New York Dream team under no other than make-up empress Ms. Barbi Chan. bongga talaga ang galing sa magwayen!!!!)
Post a Comment