Tuesday, June 26, 2007

Homecoming

Dahil na-involve ako sa preparations ng dalawang malaking proyekto ng Magwayen sa pagbubukas ng schoolyear na ito, I got the chance to re-visit my Alma Mater - ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kung susumahin, I've been in and out of this University sa nakalipas na 13 taon: 5 years bilang estudyante, 4 years bilang empleyado, at 4 years bilang karaniwang alumni.


Subalit sa pagdalaw kong muli nitong Hunyo sa Pamantasan, tila nanibago ako. I was enchanted by its beauty. 'Di ko namalayan, kinukunan ko na pala ito ng mga litrato.

I have many fond memories of PLM. Marami akong namimiss. Yung pakikipagpatintero sa mga guards, yung pangongopya ng assignment sa lab class ni Mr. Santos, yung pagtambay sa shed na parang walang exam kinahapunan. Maraming beses akong umibig at nabigo. Piping saksi ang PLM field habang bumubuhos ang luha ko.

May mga panahon nun na wala akong kapera-pera. Minsan, lumilipas ang maghapon na walang laman ang tyan ko. Awa naman ng Diyos, wala akong kinasangkutang gulo. Pero 'di ibig sabihin ay geek ako. Isang beses sa isang sem nga lang ako magpunta ng library e.

Pero nung mga panahong nasa PLM pa ako, I never took the time to stare at the buildings, at the field, at everything. I never thought I'd be mesmerized.

Haaay... Tumatanda na nga ako.


No comments: