Monday, June 09, 2008

Robbed and Back To Zero

Magsha-shopping sana ako last Friday. Pagtingin ko sa wallet ko, wala na yung atm card dun. Medyo nag-worry na ako. Baka naiwan ko kasi sa office or nailapag ko sa kwarto. I tried to remember kung kelan ko huling ginamit. I checked the receipt which I kept from my last transaction. May 29 pa, eight days ago pa. I started to panic.

Pag-uwi ko, hinanap ko agad sa mga gamit ko sa kwarto yung atm card. Wala akong nakita. Yung kabog ng dibdib ko, sobrang lakas na. Lahat kasi ng savings ko ay accessible sa atm card na yun.

Nung di ko na talaga makita, I decided to call the customer service of the bank. I was praying na sana ay secure pa rin yung account ko. But I was in for some really bad news.

Ang sabi nung nakausap ko, there had been several withdrawals as far back as June 2. Ang total daw ng na-withdraw ay P70,000. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kahit nakaupo ako ay naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko.

I also found out na last ten transactions lang ang namomonitor ng customer service. So there’s no way of telling kung P70,000 lang ang na-withdraw o mas higit pa. Worst case scenario, baka nalimas na lahat ng savings ko sa account.

I was so shocked. Ilang araw na palang wala ang atm card sa wallet ko. Hindi ko napansin kasi may cash pa ako na nahuhugot.

Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos akalain na mangyayari sa akin ito. Lahat ng pinagpaguran ko sa GMA at sa PLM, naglahong parang bula.

Ang masakit pa, alam nungg magnanakaw ang pin ko. Ibig sabihin, it’s somebody close to me. It could very well be one of my staff sa office. Sobrang sama tuloy ng loob ko. I felt betrayed. Binalewala ang tiwala at pakikisama ko.

I don’t know how I will be able to manage my finances now. Ang dami pa namang umaasa sa akin. I still have my jobs, but I don’t feel secure at all.

It’s like starting from zero.

No comments: