Binibining Pamantasan (The Backstage Exclusives)
Alas-sais na ng gabi, hindi pa rin tapos ang Dance Mania sa PLM Field, kahit maputik ang lupa at umuulan-ulan pa rin.
Samantala, sa labas ng auditorium, galit na ang may dalawang daang tao na gusto nang pumasok at manood ng Binibining Pamantasan. Sabi kasi sa mga posters, 4:00 pm daw ang simula. I had an ominous feeling that the lack of crowd control might start a domino effect of kapalpakan. So, instead of sitting in the audience to watch the show, I went backstage to restore order.
Wala pa ang contestant number 3, si Miss CHD, pagdating ko sa backstage. Si Miss CMC hindi pa nakakapag-makeup, kasi hinihintay pa si Toni, na nagho-host ng Dance Mania. Strictly one P.A. lang ang allowed per contestant, pero yung ibang kandidata may batalyon ng mga stylist. In short, the backstage situation is a disaster.
So I called Mark, the Director and Head Organizer. Sabi ko sa kanya, kelangan ng drastic measures para ma-avert ang krisis. Binibining Pamantasan kasi ang culminating event at ang sobrang inaabangan ng lahat. Hindi ko papayagan na ma-disappoint ang audience by giving them a show na kalat-kalat.
First thing I did was set the deadlines. I gave the organizers thirty minutes before we go open house. Nilagyan ko rin ng doorman ang backstage para wala nang labas-masok at ma-enforce ang rule na one P.A. per candidate only. Then, I asked Mark to rehearse the blockings one last time. Hala, walang markers on stage. Tantyahan ang pwesto ng mga kandidata. Ako pa ang nagdikit ng masking tape sa sahig para masigurong maganda ang blocking ng mga girls later.i ang alloted, at may specific area kung saan sila uupo.
Yung mga headset/walkie-talkies na binigay ko sa mga stage managers, hindi nagagamit ng maayos. So I instructed Maan and Mark how we can maintain steady and clear communication all throughout the show. I also did a pep talk sa mga guests na nauna nang pinapasok sa auditorium, para hindi naman sila mainip. Yung iba kasi, nandun na since 4:00 pm. Finally, I made a company call and instructed all the student council officers present that time kung paano ima-marshall ang mga tao pagpasok. 35 seats per college lang kasi.
At around 6:40 pm, nag-open house na kami. Backstage, pinag-ready na namin ni Maan ang kandidata. Ako ang tao sa stage right, si Maan sa stage left. May pahabol pang problema. Wala pa ang mga dancers ng Scholars Inc. E sila ang opening number. Pinataakbo ni Mark si Maan para sunduin sila. Nakupo! Nakapasok na lahat ng tao, ready na rin ang mga kandidata. Mga dancers na lang ang wala.
Paano kami mag-uumpisa ngayon nyan?
(may karugtong pa...)
No comments:
Post a Comment