Binibining Pamantasan: Swimsuit Prelude
(Part two of the Binibining Pamantasan: Backstage Exclusives)
Maingay na ang crowd sa Auditorium, hihintay na magsimula ang Binibining Pamantasan. Hindi kami makakapagsimula nang wala ang Scholars Inc. Sila kasi ang backup dancers ng mga kandidata sa opening number. Para kong magha-hyperventilate.
Buti na lang at dumating din agad ang mga dancers. Pina-exit ko na ang mga kandidata sa backstage. Sa audience entrance kasi sila papasok. Nakaposisyon na ang Scholars Inc. Ready na ang lahat. I started the countdown. Three, two, one... Play music.
At sa pag-alingawngaw ng kantang Labels or Love ni Fergie, halos sumabog ang auditorium sa ingay ng audience. Sinisigaw ang pangalan ng mga kolehiyo nila. Blessing in disguise ito, dahil ang mga dancers parang nagre-rehearse lang sa ingay ng counting at batuhan ng instruction sa stage.
It was a delight to watch the candidates dance along. Ang gaganda nilang lahat in their New York Fashionista/Couture Look. Perfect ang opening number. Syempre, sa akin nag-originate ang concept nito e. Walang pakumbaba kong inaangkin, hahaha. But I have to give it to whoever did the choreography. Simple at madaling sabayan.
It was a four minute opening number. Pagkatapos ay bihis na agad ang mga kandidata sa kanilang swimsuit. The hosts, meanwhile, explained the mechanics of the competition and introduced the judges. Sina Miss CME, CHD CPT and CAUP ang pinaka-mabilis kumilos. Pinaka-makupad si Miss CN, CET, at CMC. In fairness, sexy ang mga kandidata. They all looked gorgeous in their blue swimwear. I'm sure a lot of guys would have wanted to trade places with me at that moment. Propesyunal naman ang lahat backstage kaya walang malisya at hiya-hiya.
Nang marinig kong patapos na ang mga host sa pagpapakilala ng mga judges, nag-roll call na ulit ako ng mga kandidata at pinapwesto ko na sila. I gave the signal to the technician na i-play na ang music. Pagpasok ni Miss CN in her swimsuit, dumagundong ulit ang buong auditorium. In the university's forty-three years of existence, ngayon lang nagkaroon ng swimsuit round ang isang school-organized pageant.