Back in the Game!
Kay Real ko nalaman ang tungkol sa scriptwriting contest ng Cinemanila. Nung first week of August pa yun. I got interested right away. Pwede ko kasing isali yung mga screenplay na nagawa ko na. The only thing is, kailangan may English translation yung ipapasang entry. So, I knew it wouldn't be as easy as I thought.
The deadline was August 12, Sunday, at 12:00 noon. Friday night ay hindi pa rin ako tapos mag-translate. I had to attend the Zaido meeting. Inabot na kami ng gabi kaya di na ako nakapunta sa meeting ng Magwayen na ako mismo ang nag-set, at di na rin ako nakasipot man lang sa birthday party ni Girlie na pinangakuan kong pupuntahan. Namumroblema ako dahil 20 pages pa lang ng translated script ang nata-type ko. The rest ay nasa notebook pa. I tried borrowing Boggs' laptop, pero naunang manghiram si Neth. Si Yay at Carlo naman ay gagamitin yung kanila.
I continued to work on the script nung Sabado, still quite confident na kaya ko i-beat yung deadline. Franco and the other elders were quick to point out na sana ay nagpatulong daw ako sa pagta-translate. Too late na para gawin yun ngayon. Kahit gahol na sa oras, nagpunta pa rin ako sa Magwayen in the afternoon para i-check ang progress ng mga bata sa tatlong proyektong gagawin namin ngayong August. Tapos, nung gabi, nagpunta naman ako sa Gateway para panoorin ang Parang Sirang Plaka. Short Film ito ni Yay na kasama sa walong Finalists ng Young Cinema Competition ng Cinemanila 2007. But the best thing was I finaly got to borrow Boggs' laptop.
Kahit pagod at halos wala pang tulog from Friday night, tuluy-tuloy pa rin ako ng paggawa sa English version ng KOLONO. Pero unti-unti ring nababawasan ang confidence ko. Pagsapit ng alas-otso kaninang umaga, araw ng Linggo, I finally entertained the idea of giving up. May 20 pages pa ako na hindi nata-translate at mahigit 30 pages na 'di nata-type. May usapan kami ni Yay na magkita ng 10:00 para magpaprint at sabay magpunta ng NCCA office to submit. Pero I knew in my heart na sobrang imposibleng matapos ko ito ng alas-dose ng tanghali.
But Yay texted me nung bago mag 12:00. Sabi niya, okay lang daw na hapon na magpasa. Tutulungan daw niya ako sa translation ko. Nabuhayan ako ng loob. Kahit wala pang ligo at isa't kalahating oras lang ang tulog, nagpunta ako sa SM Manila at nakipagkita kay Yay. Sa McDonalds kami nagtrabaho. Siya ang nag-translate ng last 10 pages. Nung maubusan ng battery ang mga laptop na dala namin, nagpunta kami sa isang computer shop sa likod ng SM. Pasado alas-tres na nun. Natapos kami sa translations pasado alas-singko na. Naka-95 pages ako ng script. Yung entry ni Yay, BATIBOT MULI, more than a hundred pages. Tiba-tiba ang kinita sa printing nung computer shop.
Ala-sais na natapos ipa-xerox ng tig-dalawang kopya ang mga entries namin. Nag-camp in na kami sa Copytrade at doon binutasan yung mga script. Kelangan kasi three-punched-holes. Nabugbog at nangalyo ang kamay ko sa pagbubutas. Ang sabi sa amin nung taga-Cinemanila, 8:00 pm na daw yung pinaka-last na deadline. Sa Gateway pa sa Cubao namin itatakbo yung script. Haaay.... 7:15 pm, finally, tapos na namin butasan at i-fasten ang mga scripts. Nag-taxi na kami para makarating sa Gateway on time.
Pagdating sa Gateway, nadulas pa ako sa sahig. I fell on my bottom. Lagapak talaga. Sumakit ang pwet at balakang ko pero di ko na ininda. Kelangan ma-ihabol ang mga script.
Haay.. 3 minutes bago mag alas-otso, nai-abot namin sa mga staff ng Cinemanila ang dalawang entries. Sa kabila ng lahat ng hirap at sakripisyo, nakasali pa rin kami. Alas-otso kaninang umaga, I gave up on my chances to join the contest. Alas-otso ngayong gabi, I am back in the game!
No comments:
Post a Comment