Full Circle
I got a text message from GMA kanina informing me that I will be engaged as Brainstormer under the Entertainment TV (ETV) Department. Any time soon, tatawagan daw ako ni Ms. Lilibeth Rasonable, Associate Vice President ng ETV, para i-discuss ang details ng employment ko. She will be the one to tell me daw kung saang program ako isasali.
But I already have an idea. Actually, di na ako na-surprise sa balita na maha-hire ako dahil last week ko pa alam.
Last Friday, nung mag-meeting kami, my headwriter Don Michael Perez told me na mananatili ako sa ZAIDO. Ang plano niya daw ay dalhin ako sa taping para maging writer on the set, doing revisions. Preparation daw ito para pag ready na ako ay pwede na ako magsulat ng actual script. He added na ganito daw siya nagsimula noon. I was overwhelmed with joy kaya di ko na nagawa mag-thank you man lang kay DMP sa tiwalang ibinigay niya sa akin.
Sobrang excited na ako for Zaido. Much has happened mula nung unang malaman namin na binili ng GMA ang rights ng SHAIDER at gagawan ito ng Pinoy version sa GMA Telebabad. From changing titles to changing casts, nag-evolve na rin ang kwento. And I am proud to say that I was there every step of the way, contributing ideas and concepts to further develop the story. Ngayon, nasa week three na kami.
It feels like I've finally come home. Home to where I truly belong.
No comments:
Post a Comment