Sunday, August 26, 2007

Countdown to X

"The life I touch for good or ill will touch another life, and that in turn another, until who knows where the trembling stops or in what far place my touch will be felt."

Ngayong Setyembre, isang napakalaki at napaka-kontrobersyal na proyekto ang gagawin ng Magwayen. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama ang sampung premyadong direktor ng grupo upang maghatid ng sampung dula na tiyak na pag-uusapan sa buong Pamantasan.

Pinamagatang "X", ito ay maghahabi sa kwento ng iba't-ibang mukha ng buhay at sasalamin sa mga makabuluhang isyu ng lipunan.

Ilan sa mga karakter na dapat nyong paka-abangan ay si TISOY, ang deathrow convict; si MARISSA, ang anak sa labas ng Pangulo ng Pilipinas; sina NONONG at ROLAN, ang mga smoltaym na kriminal; si VERONICA, ang First Lady; at si BIANCA, ang direktor na umibig sa kapwa niya babae.

Yours Truly, A Palanca Awardee

I woke up late Monday morning nang pumasok sa kwarto ang kapatid ko. Inabot niya sa akin ang isang parcel from DHL. I was intrigued kung kanino galing yun. I read the return address, and it said Don Carlos Palanca Foundation. My heart jumped! Tumakbo kaagad sa isipan ko na nanalo ako. Pero alin dun sa tatlong entries na isinubmit ko?


I immediately opened the package. There was an envelope inside containing an invitation to the Awarding Ceremony on September 1 at the Manila Peninsula. I almost fainted! Is this a confirmation that I did win? Wait! There's also a letter inside the parcel. Sabi ko, eto na yun. This letter will answer my questions.

I read the letter and it said that I WON 2ND PRIZE IN THE SCREENPLAY CATEGORY!!!

Nanalo ang Kolono! Wow! Ang galing! I was so overwhelmed kaya nanginginig ako when I called Yay to tell him the good news. Nung magkasama kasi kami kagabi, sabi ko ay excited na ako mag-September para malaman ang results ng Palanca. I told him that I have a feeling I'd win. And now, I really did!

Wednesday, August 15, 2007

Back in the Game!

Kay Real ko nalaman ang tungkol sa scriptwriting contest ng Cinemanila. Nung first week of August pa yun. I got interested right away. Pwede ko kasing isali yung mga screenplay na nagawa ko na. The only thing is, kailangan may English translation yung ipapasang entry. So, I knew it wouldn't be as easy as I thought.

The deadline was August 12, Sunday, at 12:00 noon. Friday night ay hindi pa rin ako tapos mag-translate. I had to attend the Zaido meeting. Inabot na kami ng gabi kaya di na ako nakapunta sa meeting ng Magwayen na ako mismo ang nag-set, at di na rin ako nakasipot man lang sa birthday party ni Girlie na pinangakuan kong pupuntahan. Namumroblema ako dahil 20 pages pa lang ng translated script ang nata-type ko. The rest ay nasa notebook pa. I tried borrowing Boggs' laptop, pero naunang manghiram si Neth. Si Yay at Carlo naman ay gagamitin yung kanila.

I continued to work on the script nung Sabado, still quite confident na kaya ko i-beat yung deadline. Franco and the other elders were quick to point out na sana ay nagpatulong daw ako sa pagta-translate. Too late na para gawin yun ngayon. Kahit gahol na sa oras, nagpunta pa rin ako sa Magwayen in the afternoon para i-check ang progress ng mga bata sa tatlong proyektong gagawin namin ngayong August. Tapos, nung gabi, nagpunta naman ako sa Gateway para panoorin ang Parang Sirang Plaka. Short Film ito ni Yay na kasama sa walong Finalists ng Young Cinema Competition ng Cinemanila 2007. But the best thing was I finaly got to borrow Boggs' laptop.

Kahit pagod at halos wala pang tulog from Friday night, tuluy-tuloy pa rin ako ng paggawa sa English version ng KOLONO. Pero unti-unti ring nababawasan ang confidence ko. Pagsapit ng alas-otso kaninang umaga, araw ng Linggo, I finally entertained the idea of giving up. May 20 pages pa ako na hindi nata-translate at mahigit 30 pages na 'di nata-type. May usapan kami ni Yay na magkita ng 10:00 para magpaprint at sabay magpunta ng NCCA office to submit. Pero I knew in my heart na sobrang imposibleng matapos ko ito ng alas-dose ng tanghali.

But Yay texted me nung bago mag 12:00. Sabi niya, okay lang daw na hapon na magpasa. Tutulungan daw niya ako sa translation ko. Nabuhayan ako ng loob. Kahit wala pang ligo at isa't kalahating oras lang ang tulog, nagpunta ako sa SM Manila at nakipagkita kay Yay. Sa McDonalds kami nagtrabaho. Siya ang nag-translate ng last 10 pages. Nung maubusan ng battery ang mga laptop na dala namin, nagpunta kami sa isang computer shop sa likod ng SM. Pasado alas-tres na nun. Natapos kami sa translations pasado alas-singko na. Naka-95 pages ako ng script. Yung entry ni Yay, BATIBOT MULI, more than a hundred pages. Tiba-tiba ang kinita sa printing nung computer shop.

Ala-sais na natapos ipa-xerox ng tig-dalawang kopya ang mga entries namin. Nag-camp in na kami sa Copytrade at doon binutasan yung mga script. Kelangan kasi three-punched-holes. Nabugbog at nangalyo ang kamay ko sa pagbubutas. Ang sabi sa amin nung taga-Cinemanila, 8:00 pm na daw yung pinaka-last na deadline. Sa Gateway pa sa Cubao namin itatakbo yung script. Haaay.... 7:15 pm, finally, tapos na namin butasan at i-fasten ang mga scripts. Nag-taxi na kami para makarating sa Gateway on time.

Pagdating sa Gateway, nadulas pa ako sa sahig. I fell on my bottom. Lagapak talaga. Sumakit ang pwet at balakang ko pero di ko na ininda. Kelangan ma-ihabol ang mga script.

Haay.. 3 minutes bago mag alas-otso, nai-abot namin sa mga staff ng Cinemanila ang dalawang entries. Sa kabila ng lahat ng hirap at sakripisyo, nakasali pa rin kami. Alas-otso kaninang umaga, I gave up on my chances to join the contest. Alas-otso ngayong gabi, I am back in the game!

Thursday, August 09, 2007

Full Circle

Finally, the results are in!

I got a text message from GMA kanina informing me that I will be engaged as Brainstormer under the Entertainment TV (ETV) Department. Any time soon, tatawagan daw ako ni Ms. Lilibeth Rasonable, Associate Vice President ng ETV, para i-discuss ang details ng employment ko. She will be the one to tell me daw kung saang program ako isasali.

But I already have an idea. Actually, di na ako na-surprise sa balita na maha-hire ako dahil last week ko pa alam.

Last Friday, nung mag-meeting kami, my headwriter Don Michael Perez told me na mananatili ako sa ZAIDO. Ang plano niya daw ay dalhin ako sa taping para maging writer on the set, doing revisions. Preparation daw ito para pag ready na ako ay pwede na ako magsulat ng actual script. He added na ganito daw siya nagsimula noon. I was overwhelmed with joy kaya di ko na nagawa mag-thank you man lang kay DMP sa tiwalang ibinigay niya sa akin.

Sobrang excited na ako for Zaido. Much has happened mula nung unang malaman namin na binili ng GMA ang rights ng SHAIDER at gagawan ito ng Pinoy version sa GMA Telebabad. From changing titles to changing casts, nag-evolve na rin ang kwento. And I am proud to say that I was there every step of the way, contributing ideas and concepts to further develop the story. Ngayon, nasa week three na kami.
It feels like I've finally come home. Home to where I truly belong.

Wednesday, August 08, 2007

Rain On!

Finally, dumating na rin ang ulan. Grand welcome ang ibinigay na pagtanggap kina Chedeng at Dodong. Dati ayaw natin sa bagyo, pero di na tayo pwede maging choosy dahil may krisis na sa tubig. At dahil sa walang humpay na pag-ulan, hassle gumala at gumimik. Mas masarap pang matulog. Kaya nitong nakaraang dalawang araw, sarap buhay ako. Kain, nood ng TV, tulog, telebabad, kain ulit, tapos tulog ulit. Pati pag-angat ng water level sa Anggat Dam, apektado ako. Aba, isinakripisyo ko lahat ng gimik at lakad ko para i-welcome ang pag-ulan, dapat lang na may positive result na kapalit yun. Hehehe. Nasiraan na yata ako, nagdedemand na ako sa dam.