Kapusong Totoo
Bilang isang manunulat na unti-unting pinapasok ang industriya ng telebisyon, bahagi pa rin ng aking inspirasyon ang pagiging fan. I love movies. I am a TV addict. So it's only understandable that I am crazy about the stars.
Matapos ang halos sampung taon, ngayon higit kailanman ay napakalapit na ng katuparan ng aking pangarap na maging scriptwriter. At ang nagbigay sa akin ng pagkakataon ay ang nag-iisang Kapuso Network. I was never a big fan of GMA prior to the writing workshop that they offerred for free. At first, I was just thankful dahil binigyan nila ako ng break. Inevitably, however, natutunan kong mahalin ang Syete at tinanggap ko nang malugod ang transformation ko into a tue-blooded Kapuso.
Last week ay naanyayahan kaming maging bahagi ng story conference para sa bagong show na magbubukas sa September. Napakalaki ng proyektong ito. All star cast pa! Sobrang nakaka-overwhelm na sa harap ng mga iniidolo kong artista ay in-acknowledge ako ng Headwriter namin na si Don Michael Perez as part of the writing team. Wow! There's no other show I want so much to be part of except this one. Kasama kasi ako mula nung mag-umpisang buuin ang kwento nito. I am so excited about it kaya ngayon pa lang ay marami na akong ideas na naiisip for the show.
Sa primetime ito ipapalabas. Pagbibidahan ang show nina Dennis Trillo, Marky Cielo and Aljur Abrenica, na lahat ay present during the story con. Napaka-approachable ng tatlo. Sobrang dali para sa isang fan na gaya ko na magpa-picture. Si Dennis nga umakbay pa sa akin for the camera, tapos nakipag-usap pa right after. Again, nag-umapaw na naman ang galak ko. I realized na hindi fan ang tingin sa akin ni Dennis, kundi katrabaho, part of the creative staff na bubuo ng kwento ng bago niyang show. Si Aljur, bago umuwi, nag-effort pang makipag-kamay para magpaalam at itanong ang pangalan ko. Hahaha. I doubt naman kung matatandaan niya. Pero, still, it's overwhelming to receive such niceness from a TV star.
It was a memorable experience attending my first story conference. Ganun pala yun! Lahat ng artistang kasama sa show ay present. Pati mga managers nandun. Syempre, present ang Direktor, ang Producer at Program Manager, ang buong writing team at iba pang creative staff, like costume and art department. Habang pine-present ni Sir Don ang story at mga character sketches to the actors, I felt elated knowing I contributed para mabuo ang bagong kwentong aabangan ng mga manonood sa GMA Telebabad.
Eto yung pakiramdam na matagal ko nang inaasam.
No comments:
Post a Comment