Biggest July Ever
Carlo invited us to watch ASAP at the Aliw Theater last Sunday. As early as Monday last week, nangalap na ako ng mga Magwayen na gustong sumama. Para naman masaya ang lahat at makapag-unwind after ng MPOP at Hawla. Libre naman e. Tsaka sigurado ako na excited ang mga yun na makakita ng mga artista. True enough, I got, more or less, 15 persons confirming na sasama sila.
Pero pagdating ng Sunday, tanging sina Jed, Ben, Li, Borgy and Boggs lang ang dumating. Nandun din si Franco, pero di naman siya kasama dun sa mga unang nag-confirm. Ka-join din namin si Kathleen and her husband Ryan, as well as Jed's friends, Kris and Ericar.
Alas-onse na kami nakapasok ng venue. Thanks to Carlo, hindi na kami pumila pa. We even got good seats. Hindi malapit sa stage, pero di rin naman kalayuan. Ang ingay ng grupo namin. Well, expected na yun since kasama namin si Franco. 45 minutes later, nagstart na ang show. Supahdance and Birthday Party for Kapamilya Stars ang tema ng show that day. Yung Floor Director, nag-orient na earlier na dapat daw ay pumalakpak kami like crazy at iwagayway namin yung mga balloons na pinamigay nila. Okay, fine! Why not?!
Ang galing ni Sarah with her performances of Ikaw ang Lahat sa Akin (watch the video below) and I Believe; si Sam Milby may dalawang dance prod, kahit di marunong sumayaw at idinaan lang sa tumbling; si Erik Santos natapat pa kay Mickey sa tribute ng Champions sa PBB Big 4, singing Whitney's On My Own; si Mariel Rodriguez , sobrang ganda sa personal; si John Lloyd Cruz, di maintindihan ang suot nung birthday segment na niya; si Luis Manzano and Vhong Navarro, nakikipagkulitan sa audience during commercial gaps; si Ruffa, maganda pa rin pero katawang nanay na, hahaha.
Next week, sa SOP naman kami.
No comments:
Post a Comment