Friday, August 29, 2008

Ten Years Old na Kami!

Ala-syete na. Di na mapakali ang tumbong ni Netchai kasi wala pang dumadating na mga elders. Usapan kasi 6pm. Si Mama Sarah at Jovie, in fairness, mga early bird. Parang magkumareng majongera ang get-up ng dlawa, nakakaloka. Hahaha. Peace, Jovie and Mama Sarah, mahal ko kayo.

Ang mga newbies, todo na ang pagre-rehearse. Bukas na kasi ang streetplay. Kamusta na kaya? Nagawan na kaya nila ng paraan yung mga suggested changes? Lagot, papanoorin sila ng sangkatutak na elders. Mamahalin kaya sila at pauulanan ng mga papuri, o aalipustahin at lulunurin sa panlalait? Bwahahahahaha.

Isa-isa nang nagdatingan ang mga elders. Si Erickson, na nung unang panahon ay umakyat ng scaffold at kumanta ng In The End sa Magwayen Concert. Di na siya payatot. Dio na rin siya emo kung pumorma. In fairness, mukhang nagkakamal na ng limpak-limpak na salapi. Hmmmm... Mukhang mahihiritan to ng pizza maya-maya. Ang scary, bigla ko naririnig ang mga linya ng kanta niya, "One thing, I don't know why..." Hehehe. Classic. Meron ka bang ganun, Aldrin Espinosa (miss you, Aldrin. magparamdam ka na)?

Long hair na si Geno (sabay-sabay tayo: so what?), samantalang kalbo pa rin si Ally. Halos sabay-sabay namang dumating sina JV (na kalbo at single, pero may fubu, hahaha), si Carlo (na di ko alam kung saan itinago ang cake na pang-sorpresa later), si Mike (na single pero blooming that night) at sina Yay and Jay (na nagse-celebrate ng kanilang Anniversary. sabay-sabay tayo: haaaaaay...). Si Geno, maang-maangan pag napapag-usapan ang contribution para sa lapangan. Si Ally naman pinapa-uso ang look na marungis, hahahaha. Sina Carlo, Mike, Yay at Jay, super catch-up kina Mama Sarah at Jovhie. Si Neth, happy nang pinagmamasdan ang lahat ng kaganapang ito. Sa wakas, nakapag-relax na ang tumbong niya.

Why not? E patuloy ang pagdating ng mga elders. Dumating ang mga original live actors na sina Ronald at Ampol, sina Nigel (na ganun pa rin ang hairstyle: bangs na out of place at may sariling buhay), si Marvine (na kamukhang-kamukha ni Dolly Ann Carvajal, sa katawan ni IC Mendoza), si Shermee (na pang-boksing ang mga braso), si Bombing (na naka-blouse na barong. take note, kulay pink), at si Eds (na may bombang pinasabog tungkol sa isang ka-Magwayen na nakaniig niya. eksklusibo!).

Dramatic entrance sina Jerry at Borgy. Big-time na si Jerry. Super fit na long-sleeves at slacks na mukhang mumurahin (hehe, joke lang. mukhang mamahalin, kasi may kasamang bukol, nyahahaha). Si Borgy, ravishing in his hot pink shirt. Super rant si bakla sa movie nina KC at Richard. Ang tanong: sino ang kasama niyang manood?

Finally, it was time para i-present ng mga bata ang streetplay nila. Full-support ang mga old members at officers. Si Sheena, bago ang hairstyle, winner! Si Khyle, as usual, mukhang insekyora, hahaha. Si Queenie, mukhang kakatapos lang maglaba. Si Ana Paula at Alyssa Paula, himalang nagpakita. Si Leo, kahit gabi, kita ang mga flawless na pisngi.

Ang mga elders nagkanya-kanya na ng pwesto. May mga naupo sa shed, may mga naupo sa bangketa. Pero lahat sila napabilib ng mga newbies. Ang ganda kasi ng streetplay. Except for some minor flaws, it was highly entertaining. Walang pang-aalipusta at panlalait na naganap (hay, sayang. nyahahaha. joke lang. labyu, batch 11. bakit kaya wala si Jerome? huhuhu).

After ng streetplay preview, nilabas na ang cake (na muntik nang agawan ng eksena nina Ma'am Luds at Ma'am Gabelo). Tapos, inanunsyo na ang nakatakdang pag-alis ni Sheena. Punta kasi siya ng Singapore para mag-DH. Wala na kasi makain ang tatlong anak niya. Yung mister niya, na-lay off sa trabaho. Goodluck, Sheena, we'll miss you.

Almost ten pm na kami umalis ng PLM. Punta kami ng Yellowcab. Kainan na! May nagtatanong kung nasan si Shengka. Sabi ng EIC, wala kasi Thursday. Hindi pa Friday. (hahaha, labyu Shengka. parang anniv natin no, hahaha). Umorder ang mga elders ng tatlong 18 inch pizza at walong Charlie Chan pasta (o di ba, bonggang-bongga). Teka, bakit si Yay lang ang may Sola. Akala ko nakalimutan akong singilin ng ambag ko. Kaso, bumalik si yay, hiningan din ako ng pera, huhuhu. Tatlong daan ang average na ambagan. Pero nagpaka-bongga si Ericson (na bumayla ng litro-litrong softdrinks) at Jerry (na nag-sponsor ng limang half-gallon ice cream).

Pero ang highlight ng gabi ay hindi lamang ang lapang. At yan ang dapat mong abangan.

(Susunod! Eksklusibo!: mga Magwayen members, officers at Elders, matapang na sasagutin ang Most Forbidden Questions.)

Monday, August 18, 2008

A Very Sad Love Story

Joe Black: It's hard to determine whether you really have a feeling for someone, or you are just carried away by the good things he does. You can't say if you are returning the love, or just returning the favor.

Celeste: Are you just scared to hurt my feelings? You can be honest with me. I'd appreciate that more. Don't worry, I can manage a heartbreak. So tell me - are you just carried away by the things I do for you? Are you just returning the favor?

Joe Black: Gusto ko yung ginagawa ko. Dito ako masaya.

Celeste: I just want to be able to bring you coffee knowing you'll be excited to see me and you'll be waiting for me at your doorsteps.

Joe Black: Ayokong maka-istorbo. You're with your friends. Just enjoy the night.

Celeste: You didn't get the point.

Joe Black: You know I do.

Celeste: Then why don't you allow me whenever I try to get near you? You know it hurts me a lot.

Joe Black: Magkikita naman tayo bukas e.

Celeste: Seeing you tomorrow sounds like a consolation prize. You're like a prize I can't win no matter how hard I try.

Joe Black: Then I'll be with you tomorrow. Kahit magdamag pa ako sa office mo.

After a long, awkward silence.

Celeste: Goodnight.

Joe Black: Ganito mo tutuldukan ang gabi?

Celeste: And suddenly, ako na ang masama?

Joe Black: Ah, okay. Ako nga naman pala ang masama. Sorry ha.

Celeste: I didn't say that.

Joe Black: Siguro, bukas, okay na ulit tayo. Sorry na talaga.

Celeste: I'm trying to make this work. But I can't do it on my own. Please, let me through the wall.

Joe Black: Dumating ka na ba sa puntong ayaw mo nang magmahal? Nakarating lang ako sa puntong yun nung na-realize ko na yung mga taong ayaw kong mawala sa akin, sila yung dapat kong mahalin nang walang relasyon, walang commitment. Hindi naman lahat ng nagmamahalan kelangan may relasyon. Ginagawa kong bestfriend or kapatid yung mga taong dapat, pwede, sana, magiging karelasyon ko kasi ayokong mawala sila sa akin.

He pauses for a moment.

Joe Black: Masama akong karelasyon. After the relationship, we're total strangers. I never entertain reconciliation, or even being friends. Ganun ako. Alam yan ng mga taong nakakakilala sa akin. Mahirap intindihin, pero eto ang totoo sa akin.

He pauses for another moment.

Joe Black: Masyado ka nang mahalaga para pabayaan kong mawala.

Isang Dekadang Magwayen

Sampung taon na ang Magwayen. Syempre, kelangang bongga ang selebrasyon. After all, Magwayen pa rin ang nag-iisang dramatics guild at performing arts group ng PLM. Sa loob ng isang dekada, mahigit 300 na ang mga members na nahasa ang talento sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagsulat. Karamihan sa kanila, mga may trabaho na ngayon. Yung iba, may mga pamilya at mga chikiting na.

Pero dahil isang dekada na ang Magwayen, isang grand homecoming ang niluluto para tipunin ang lahat ng mga naging talents ng grupo. Sa October 18, 2008 ay gaganapin ang 10th Anniversary Party ng Magwayen sa The Oasis, Quezon City. Isa itong concert dinner dahil may mga production numbers ang mga members mula Batch 1 hanggang Batch 10.

An

g kulit ng mga teasers na nilabas yesterday. Featured sina Fern at Franco, dalawang iconic na alumni (or, in Magwayen lingo, Elders). Marami pang pakulo na dapat abangan bago dumating ang takdang araw. Kaya wag nang magpahuli. Kontakin na sina Neth @ 09175011050 or si Real @ 09054022106 para malaman kung paano makasali sa pinakamalaki at pinag-uusapang event ng taon (naks! hahahaha).

Saturday, August 16, 2008

PLM Big Brother

Idea ni PLM President Adel Tamano ang proyektong PLM Big Brother. So, kung tutuusin, siya si Kuya. Hehehe. At ako ang Kanang Kamay ni Kuya na tutulong sa kanya to make this cause-oriented project a reality. Ngayon ang unang pagkakataon na mangyayari ito sa Pamantasan.

Mahigit limandaan (500) na PLM-CWTS youth, student leaders, at mga volunteers ang magtutulung-tulong upang maghatid ng libreng tutorial sa mga graduating students ng dalawa sa poorest public high schools ng Manila - ang MLQ High School sa Blumentritt at Nolasco High School sa Tondo. Layunin ng tutorial na bigyan ng sapat na kumpyansa at kahandaan ang mga mag-aaral (naks! lalim ng mga tagalog ko. Buwan ng Wika talaga, hahaha) para maipas

a ang PLM Admission Test (PLMAT).

Personally ay excited na ako sa project na ito. Bagaman galing

ako sa isang private high school nung pumasok ako ng Pamantasan, nauunawaan ko na ang kakulangan sa pasilidad, ng mga learning materials, at ng conducive learning environment ng ilang public high schools ang ilan sa mga dahilan upang hindi makapasa ang mga estudyante nila sa PLM. Sayang naman. Maasahan kasi ang PLM sa pagbibigay ng mataas na kaledad ng edukasyon sa napakamura o libreng halaga. Para sa mga graduates ng public high schools ng Manila kaya itinatag ang Pamantasan. Hindi ibig sabihin na pag bumagsak sa PLMAT ang isang estudyante ay bobo siya. Maaaring may pagkukulang din ang eskwelahang kanyang pinanggalingan.

Suportahan po natin ang PLM Big Brother. Kung nais nyo pong tumulong, makipag-ugnayan lamang sa Office of Student Development and Services, 5266882.

Thursday, August 14, 2008

And You Call Yourself President?

Maraming beses ko inattempt na makatrabaho ng maayos ang taong ito. Mataas ang respeto ko sa kanya. Tinrato ko ng patas. Umabot pa sa puntong kinaibigan ko. Pero may mga tao pala na anumang buti ang ipakita mo ay aabusuhin ka, babastusin ka at babalewalain.

Labis akong nanghihinayang sa taong ito. Nung una, pilit ko siyang inuunawa. Kaya lang, nasagad na ang pasensya ko, dahil na rin sa kagagawan niya. Kontrabida pa rin ang tingin niya sa akin, sa kabila ng lahat.

Epal - yan ang tawag niya sa akin. Bakit ko alam? Na-wrongsend kasi siya sa akin. Sabi sa text niya, "Epal tong si Marlon. Nauubos na ang pasensya ko." Wala nang Sir. First name basis na pala kami nang hindi ko alam.

At siya pa ang naubusan ng pasensya. Teka lang, ako yata dapat ang nagsasabi nun. Matapos nyo ko pahiyain sa harap ng ibang tao na hindi taga-PLM in one meeting? Matapos nyo pumirma ng isang potentially million-peso contract when you haven't even submitted any request to have that project approved? You deliberately bypassed me. E pinuprotektahan ko lang kayo. Pano pala kung hindi na-approve yang project na yan. E di madedemanda kayo. Hindi mo ba naisip yun?

I can easily file a student violation against you for discourtesy and disrespectful behavior. Pwede kang ma-suspend sa klase at ma-disqualify sa posisyon mo. But I haven't done that. I should, pero umiiral ang awa ko sa 'yo.

I am so totally disappointed in you. Umayos ka. I have been very nice to you from the start. I have granted you numerous favors and consideration before. Pero naubos na ang pasensya ng epal na to. Ilalagay na kita sa lugar mo.

Tuesday, August 12, 2008

Ngayong Wala nang Palanca, Saan Darating ang Umaga?

Ganitong petsa nung isang taon nang makatanggap ako ng sulat galing sa Palanca Awards at nalaman kong nanalo ang screenplay ko na "Kolono". This year, dalawang entry ang isinali ko - isang screenplay ulit, entitled "Kyoudai", at isang full-length play na pinamagatang "Eks."

Ipokrito ako kung sasabihin ko na hindi ako nag-expect na manalo ulit. Pero, dahil hanggang ngayon ay wala pang balita from Palanca, unti-unti ko nang nararamdaman ang kabiguan. Ayan kasi, nag-expect masyado, sawi naman pala sa bandang huli. Hehehe.

Pero mabait talaga sa akin yung nasa itaas. Talaga yatang lucky year ko tong 2008. Hindi man ako pinalad sa Palanca, tuluy-tuloy naman ang pag-ganda ng career ko sa GMA (hahaha, career talaga.). I was included sa team na susulat ng isang upcoming sinenobela para sa Dramarama ng GMA.

Isa sa mga movies na nabili ng GMA Films sa Viva Films para gawing Sine Novela ay ang Saan Darating Ang Umaga? (1983) na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Raymond Lauchengco, Jaypee de Guzman, and the late Ms. Nida Blanca and Nestor de Villa. Idinirek ito ni Maryo J. Delos Reyes at ito ang nagbigay ng unang acting award kay Maricel sa FAMAS as best supporting actress pagbalik niya bilang teen star.



Monday, August 11, 2008

Pagbigyan Nyo Akong Tumula

Nung sinusulat pa namin ang Zaido, pinagawa kami ng headwriter namin ng mga tula na pwede raw magamit nung magku-compose ng theme song ng show. I came up with two poems. Eto sila.

HARANA

Ikaw ang aking talang maningning

Na dati'y pinapangarap lamang marating

Nilakbay ko ang kalawakan

Marami mang hadlang

Pag-asa'y 'di ko binitiwan

Ikaw ang araw na nagbigay liwanag

Ikaw ang buwan na siyang nagpanatag

Sa pusong balisa

At sa 'king pangungulila

Ikaw ang langit kong payapa

'Di na papaawat ang puso

Sa wakas, ikaw ngayo'y kapiling ko

Magka-iba man ang ating mundo

Pag-ibig ang tulay na nagdala sa 'kin sa 'yo

DUWAG

Kaya kong lumundag papuntang buwan

At lumukso sa bawat tala ng kalawakan

Makipag-unahan sa bulalakaw

Manahan sa nagliliyab na araw

Ngunit hindi ang mawalay sa piling mo

Dahil anumang tapang at galing ko

Ako'y isang duwag na ayaw malayo

Sa makapangyarihang pag-ibig mo.

Thursday, August 07, 2008

Caption Me!

Let's do something outrageous.

Each week, I'll post a random photo and have you guys come up with the most creative, insane, funny or catchy captions you can think of.

Place your captions in the Comment field. Go! Isip na!