Not Leaving Pamantasan
Kung si Regine Velasquez, pinagbigyan ng mga Kapuso na ipahatid ang kanyang mensahe, sana ay pakinggan din ako sa sasabihin ko.
Inihambing kasi sa kontrobersya ng muntikang pag-alis ni Regine sa Syete ang muntikan ko nang paglisan sa Pamantasan. Pero di pa yun dun natapos. Hindi itinuloy ni Regine ang plano dahil pinangakuan daw ng maraming shows at mas mataas na sweldo ang Asia's Songbird. Ganun din daw ang rason ko kaya di na matutuloy ang resignation ko - inalok daw ako ng mas mataas na posisyon at mas magandang sweldo ng Higher Echelons ng Pamantasan.
Gusto ko lang pong linawin ang ilang mga bagay-bagay.
Una po, aaminin ko na totoong nagsumite ako ng resignation letter noong March 5th. Bakit? In my letter, I stated that the irreconcilable schedule of my work at PLM and my commitments as a writer at GMA has become a recurring predicament. Bilang isang professional, I want to be able to meet the expectations and deliver outputs that measure up to the standards of my employers.
My boss, Atty. Ernest Maceda, was very gracious and understanding of my dilemma. Nag-usap kami last Friday. We discussed the areas na pinagmumulan ng mga problema. And we were able to resolve the concerns. We agreed on an arrangement that is best for all parties.
My lifelong dream has always been to be a writer. Natupad yun when my screenplays were recognized by the Film Academy of the Philippines and Palanca Awards. It gave way to a career with GMA as a brainstormer/writer. Eto talaga ang passion ko.
Pero itinuturing kong tahanan ang Pamantasan. Narito ang puso ko. Dito ko hinubog ang mga pangarap ko. Dito ko natagpuan ang mga tunay kong kaibigan. Dito ko naranasang magmahal, magtagumpay, mabigo, at bumangong muli.
Mahal ko ang Pamantasan, mahal ko ang mga Iskolar ng Bayan. Tatlong student organization ang aking binuo noong estudyante pa lang ako upang bigyang kulay ang buhay kolehiyo ng mga kapwa ko mag-aaral. Ang Magwayen Creative Scholars' Guild, magsasampung taon na sa August. Di na rin mabilang ang student leaders na na-train ko sa mga Leadership Training Seminars.
There's nothing more fulfilling than being an instrument to help others discover their potentials and the confidence they need to reach their dreams.
Ang punto ko po ay ito: Hindi po totoo na kaya ako mananatili sa Pamantasan ay dahil nasilaw ako sa pangako ng mas malaking sweldo o magarbong titulo't posisyon. Hindi kailangang manligaw ng Top Management Team ng PLM because the best people consider it an honor to work with them.
Mananatili ako dahil patuloy akong pinagkakatiwalaan. I withdrew my resignation because I realized that staying in PLM gives me the chance to fulfill another dream, another passion: to reach out to students, to inspire them, to touch their lives, and to compliment their classroom lectures with the lessons of life, leadership, self worth, integrity and compassion for others.
Marlon Miguel
Kapuso sa Pamantasan
No comments:
Post a Comment