Tuesday, January 29, 2008

Investing Adel

In a few days ay gaganapin na ang Investiture Ceremony para kay Atty. Adel Tamano, ang 7th President ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Siguro ay sobrang bilib talaga sa akin ang boss ko na si Atty. Ernesto Maceda Jr. dahil ako ang ginawa niyang co-director at writer para sa event na ito. Simula pa noong December ay puspusan na ang research na ginagawa namin para siguruhin na pulido at tama lahat ng plano at preparasyon para sa pinaka-prestigious at bigating okasyon sa PLM sa loob ng napakaraming taon.

Nakakalula ang guest list – si Presidente Erap, ang mga senador na sina Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Mar Roxas (kasama syempre si Korina Sanchez), Jamby Madrigal, at Jinggoy Estrada, at mga mayors na sina Jejomar Binay, Alfredo Lim at JV Ejercito. Imbitado rin ang mga members ng diplomatic community at mga presidente ng iba’t-ibang private, state at local colleges and universities.

Pero hindi lang sa paggawa ng script at pagdidirek nakatuon ang pansin ko. Subsob rin ako sa pagdi-design ng mga banners to promote the event at iba pang graphic materials na gagamitin as part of the set decoration for the venue – sa Justo Albert Auditorium. Ako rin ang nag-design ng program insert at sumulat ng ilang write-ups for the souvenir program. Would you believe, pati printed message ni Mayor Lim ay ako rin ang nag-compose. Haynaku, masyado kasi akong nagpakita ng kabibuhan kaya tinatambakan ako ng assignment. Wala naman akong reklamo.

Nalulungkot lang ako dahil kahit paano ay naapektuhan na nito ang work ko sa GMA. To think na nung pagbalik ko sa PLM ay ipinangako ko sa sarili ko na GMA ang priority ko at mas uunahin ko ito above my work in PLM. Dahil dito sa Investiture, parang nagkabaligtad na.

Today ay may meeting kami for our new show sa GMA Telebabad (Primetime) – ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita. I decided na mag-absent sa PLM. Mami-miss ko ang final dry run ng Investiture Program. I know I’ll be accused na nang-iiwan sa ere. Pero hindi naman totoo yun. Tapos na ang script. May co-director naman akong pwede mag-take charge sa rehearsals. Nagawa ko na rin ang program at lahat ng graphic designs. When Atty. Maceda expressed concern about my attendance during the event itself, I assured him naman na nandun talaga ako. Anuman ang ma-miss ko sa dry run, makikibalita ako at agad na magpapaturo para maka-catch up ako.

Ang hindi ko lang kasi papayagan na mangyari pa ay ang mag-absent ulit sa mga meeting ko with the Creative Team of Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Ayokong magpasaway dahil ayoko matanggal sa show.

Alam ko kung gaano ka-importante ang investiture para kay Atty. Tamano. It’s one way for him to step into the limelight and establish network with the rest of the country’s academic community. When he decides to run for office in the future, isa ito sa makakatulong sa kanya.

Ako, wala naman akong pangarap na maging senador. Gusto ko lang makapagsulat sa pelikula at tv. Kaya kung di ko na talaga makakayanan ang maglingkod sa dalawang amo, alam ko na kung ano ang pipiliin ko. Susundan ko ang pangarap ko. Pero kahit ganito man ang pasya ko, hindi ako mambibitin at mang-iiwan sa ere ng mga taong napamahal na rin sa akin.

Naging napakabuti sa akin nina Atty. Maceda at Atty. Tamano. Nagpapasalamat ako sa laki ng tiwala na ibinigay nila sa akin. Marami akong natutunan sa limang buwan ng pagtatrabaho ko sa Office of the President and Executive Vice President. Sa tingin ko ay nasuklian ko naman yun sa paraang alam ko.

Nais kong isipin na magiging masaya sila para sa pasyang gagawin ko. Kung kailan, hindi ko pa masasabi sa ngayon. Ngunit nalalapit na ang araw na yun. Nararamdaman ko.

Friday, January 25, 2008

Paalam Zaido

Damisa Grita!
After almost 20 weeks sa primetime ay nakatakda nang magpaalam ang Zaido. Yup, nasulat na po ng creative team ang finale ng kauna-unahang metal hero serye sa pinoy television. Bitter sweet ang pakiramdam. Masarap isipin na naging bahagi kami ng show na namayagpag sa ratings at tinangkilik hindi lamang ng mga bata kundi maging ng mga young at hearts. Masarap marinig na na we've won the approval and respect of even the most die-hard Shaider fanatics. Pero nakakalungkot din dahil dalawang linggo na lang ay magwawakas na ang lahat. We will miss the adventures of Alexis, Gallian and Cervano. How we want to write more stories and take them beyond far reaches of the universe. Pero, gaya ng bawat aklat, ang kwento'y dapat magtapos.
Sa inyong lahat na walang sawang sumubaybay, sa lahat ng nagbigay ng mga komento at suhestyon upang higit naming mapaganda ang programa, sa lahat ng sumuporta at nagpahayag ng papuri at paghanga, sa lahat ng aming kritiko na humamon sa amin upang lalo pang galingan, KAMI PO AY NAGPAPASALAMAT.
Hanggang sa muli.

Sunday, January 06, 2008

Starting the Year Clean

Maganda ang pasok ng new year ko. I have a new resolve. Well, actually, naging resolve ko na rin siya in the past, pero di ko lang napapanindigan in the long run. This will be my fourth try. I'm quitting smoking. Cold turkey again.
Today is my 7th day of being clean. May mga instances na nagke-crave ako. At this point, nakakaya ko pang labanan. Ang worry ko, baka gaya ng mga previous attempts ko, bumalik ulit ang bisyong ito after five or six months. This time, gusto ko nang maging permanent ang pagtalikod ko sa paninigarilyo. Concerned na rin kasi ako sa health ko.
Go! Kaya ko to!

Tuesday, January 01, 2008

PASKO PAKSIW

Natatandaan ko pa how excited I was nung unang lumabas sa Finale ng Asian Treasures yung mga ideas at suggestions ko. I felt na naging importanteng bahagi ang mga yun nung last episodes ng show. Although I didn’t write the script, I was proud na nakatulong ako para tumakbo yung kwento.

Fast forward, five months later. After missing the chance to write Week 6 of Zaido, my headwriter finally gave me my biggest break – he assigned me to write Week 13. Ako ang gagawa ng buong treatment at susulat ng five-day script! Oh my God!!! This is it! Writer na talaga ako!

Pero hindi pala ganun kadali. Nung umpisa, nahirapan akong gawin yung Sequence Treatment. Eto bale yung framework ng script, parang outline o summary ng mga mangyayari sa kwento. When I presented my first draft, ang daming portion ang nabaril (pinabago or pinatanggal) during our brainstorming session. So I had to revise.

At that point, wounded na ang confidence ko. I was beginning to question kung kaya ko ba talagang gawin yung script gayong treatment pa lang ay parang gusto ko nang sumuko. It didn’t help na sumasabay pa ang trabaho ko bilang Executive Secretary sa PLM. It took me a couple of days bago ko nasubmit yung second draft.

I was both anxious and terrified na malaman kung paano tatanggapin ni Sir Don ang revisions na ginawa ko. But when I read his comments, medyo nakahinga na ako ng maluwag. Walang negative comments at konti na lang ang pinapabago. Nakatulong din yung pag-uusap namin sa telepono. He made me feel at ease, na everything will be okay at walang dahilan para mag-worry ako ng husto. Bumalik na ulit yung confidence ko.

I started writing the script on Saturday. Hala! Hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko. It took me almost a week bago matapos. Nasagasaan pati yung pag-akyat ko sa Baguio with a group of friends. Araw ng Biyernes ay tarantang-taranta na ako. I promised to submit the finished script that day. Alas-onse pasado na ng gabi nang matapos ako sa pagsusulat. Hindi na tuloy kami nakapag-dinner ng friends ko.

Nakupo! Lagot ako kay Sir Don. Tapos, yung Program Info ng Week 11 na ako rin ang dapat gumawa, hindi ko pa nasisimulan. I read the finished script over and over again. Satisfied naman ako sa final output. Although Sir Don didn’t really give me a deadline, I made a promise kasi that I’d send it on Friday. Kaya sobrang guilty ako when I emailed it to him Saturday morning.

He called me Saturday night. Akala ko papagalitan niya ako. Super apologize ako. Pero hindi pala yun ang reason kaya siya tumawag. May itinanong lang siya, something for our new project Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Imagine my relief. After that call, nakapag-enjoy na rin ako sa wakas in Baguio.

Based sa initial calculations ko, papatak ng December 17 to 21 ang Week 13. Pero dahil sa pag-eextend ng airing ng mga previous weeks, na-push yung sinulat ko to December 24 to 28. Sir Don congratulated me after he read the script. Meron lang siyang minor revisions. Sabi niya, “not bad for a beginner.” Nakakataba ng puso. Nakalimutan ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko para gawin yung script. Looking back, it was a learning experience. Ite-treasure ko yun for the rest of my writing career.

I was overwhelmed when I watched the episodes I wrote on TV. It started airing on Christmas Eve. I was in awe. Five months ago, isang pangarap lang ang makapagsulat for a show. Now, it is finally a reality.

Paulit-ulit akong nagpapasalamat kay Sir Don sa ibinigay niyang tiwala sa akin at sa pagiging mabuting kaibigan at mentor. Sa Christmas message niya sa akin, sabi niya he’s looking forward to my full bloom as a writer in 2008. Don’t worry Sir Don, patuloy akong magsisikap. I will strive really hard to continue improving. Hindi kita bibiguin (naks! Hehehe).

Sa family ko na mini-fans club ko, salamat sa mga compliments at sa umaapaw ninyong pagmamahal sa akin. You have always believed in me. Mas nai-inspire ako dahil alam kong nandyan kayo lagi for me.

Sa mga kaibigan ko, sa Magwayen, sa Tugon, sa OPres, sa GMA, maraming salamat din sa lahat ng suporta, paalala at pangaral. Kayo ang pinagmumulan ng mga kwento ko. Kayo ang dahilan kung bakit sa dami ng mga nararating ko ay patuloy akong bumabalik at tumatapak sa lupa.

Lord, salamat po sa talent. Salamat sa pagtuturo sa akin ng landas na ito. Napakabuti mo, napakaraming blessings ang dumadating sa buhay ko. Alam ko po na madalas ay pasaway ako. Pagpasensyahan nyo po sana ako. Babawi na lang po ako.

Sa mga bumabasa nito na may pangarap, wag kayong matakot na sumugal o tumaya. Wag kayong susuko hanggat di nyo nararating ang gusto nyo marating. Wala nang mas sasaya pa kesa sa gumising isang umaga na alam mong ipinaglaban mo ang pangarap mo at nakamit mo ito.

Masaya ako dahil ipinaglaban ko ang pangarap ko. At nakamit ko ito.