Ang Kagawad sa Puso Naming Magkakapatid
Wala naman talaga sa plano ko na mag-Watcher para sa tatay ko during the Barangay Election Day. Napilit lang. Pero, naisip ko rin, I wanna do this for him. Alam ko na sobrang gusto manalo ni Papa, at mas lalakas ang confidence niya if he knows na suportado siya ng mga anak niya.
Alas-sais pa lang ay gising na kami. Alas-syete kasi ang bukas ng mga presinto sa Cecilio Apostol Elementary School. Haaay... Kay aga-aga, ni wala pang botante, pero ang gulo na kaagad. Ang sikip. Tatlong presinto sa loob ng isang classroom. Kakaunti lang ang mga silya na nagsilbing voting stations. Wala na ring lugar para sa pila sakaling magdagsaan ang mga botante.
Yung tatlong teachers na assigned sa presinto ko, mukhang baguhan lahat. Mukhang di na-orient nang mabuti sa mga gagawin nila. Bandang alas-otso, pinalabas na ang mga watchers. Nakaka-dagdag lang daw kami sa sikip sa loob ng presinto. Kaya nag-assist na lang kami ng mga botante sa labas sa paghahanap ng pangalan nila sa voter's registry lists.
Aliw ako, kasi ang gwapo nung ibang watchers na kasama namin. Sulit ang araw ko, hahaha.
Kainis yung mga taga-McDonalds, nakikigulo pa. Inilalako ang mga menu nila at paninda sa bawat kwarto. Nadidistract tuloy yung mga teachers imbes na mag-focus sa ginagawa nila.
Ang init! Walang electric fan sa loob ng classroom. Wala ring hangin na pumapasok sa mga bintana. Napapa-yosi tuloy ako, maya't-maya. Pang-tanggal din ng inip. Alas-tres pa magsasara ang botohan. Parang napaka-layo pa.
Kamusta naman ang ulam nung lunch na provided ng partido nina Papa. Bopis!!! E hindi naman ako kumakain nun no! Bumili pa tuloy ako sa sarili kong pera. Aba, wala na nga kaming sweldo, tapos di pa nila magawa ng maayos yung pagkain?! Sumosobra na sila! Hahaha.
Nung bilangan na, may umutot! Super-react ang mga tao. Hahaha. May bomb threat daw sa school, kaso di na napigilan kaya sumabog na. Hahaha. Pang-number four si Papa sa presintong binantayan namin ni Myra. Dun sa ibang presinto, mukhang pasok din siya sa Top 7.
We were all quite confident na panalo na si Papa. Nag-iisip na nga ako kung paano ako makakapag-contribute sa Victory Celebration niya. Kaso, biglang lumabo yung resulta. Hanggang sa may masagap kaming balita na may presintong hindi namin nabilang. Nalamangan na si Papa. Lumalabas na pang-walo lang siya.
Nakakalungkot ang ending ng araw ng eleksyon. I hope, hindi manliit si Papa sa pagkatalo niya. Pangalawang takbo na niya ito, at talo na naman. Buti na lang, full force kaming magkakapatid sa pagtulong sa kanya. Sana, kahit dun lang, malaman niyang panalo siya.

No comments:
Post a Comment