A Warning to All Backstabbers
Mag-iisang buwan na ako sa Pamantasan. Hindi ako nahirapang mag-adjust. Para ngang never ako umalis at all. Masarap katrabaho ang mga kasamahan ko ngayon sa Office of the President at Office of the Executive Vice President. Nag-eenjoy ako sa challenge ng trabaho ko. Si Atty. Ernest Maceda talaga ang immediate boss ko. He's the EVP. But I do a lot of correspondences din for Atty. Adel Tamano, the new PLM President. Just the other day, pinagkatiwalaan niya ako na gawan siya ng presentation for the Board of Regents' meeting. When he first asked me to do it a week ago, i was a bit scared. Pero yun ang masaya sa work ko ngayon - i get fulfillment pag nao-overcome ko lahat ng pressure at challenge ng pinapagawa sa akin.
When i hosted Sir Adel's birthday, para na rin yung public announcement na "I'm Back!!!." I'm sure maraming empleyado ang nagulat na makita akong muli. And I know they are more surprised na sa EVP-OPres ako na-assign. I hope they are happy for me. But that's wishful thinking. I know marami ang nai-inggit at pinag-iisipan ako ng masama. Haynaku. Ang ibang tao talaga. Last Thursday nga, isang AP staffer na laging nasa office namin ang sinabihan ako na Tuta ako ni Tayabas. The nerve of this girl! Pag kaharap ako ay ngingiti-ngiti sa akin, tapos behind my back pala ay kung anu-ano ang ibinibintang sa akin.
Hindi po ako tuta ni Tayabas. I am a person na may sariling pag-iisip, paninindigan at mga prinsipyo. Mabait akong tao, marunong rumespeto ng kapwa. Pero kung ang kabaitan at pakikipagkapwa ko ay aabusuhin at ako ay tatraydurin, pwes di lang ako basta tuta kundi aso na handang manakmal para lang di mayurakan ang dignidad na aking pinangangalagaan!
1 comment:
Hey kuya... that was pretty steep. Don't get affected by a cheap shot taken by some kid who knows little (to maybe nothing --- by the way kids, being in the school paper does not give you license to tarnish somebody's name. Law of reciprocity. Always remember that...that is if that young thing knows any better). Plastikada naman. For sure, iyakin yun. Hahahahaha!
Anyhoo, see you on the week of our wedding and the wedding day itself kuya. Cheers to a lifetime of untarnished and unprejudiced friendship!
Post a Comment