Monday, July 21, 2008

The 5 Best Things na Nangyari sa Birthday Ko

1. Binisita ako at personal na binati ng pinaka-endearing at pinakamagaling na Presidente in PLM’s history, si Atty. Adel Tamano. Tapos nag-text pa sa akin si Sir Adel. Ang sabi niya: You are a very important part of our team at PLM. We value your work and your inputs. The students are lucky to have you as their Dean.

2. Sinurpresa ako ng staff ko during lunch. Naghanda sila ng pansit, barbecue, ice cream at cake. May banner pa silang ginawa.

3. Sinurpresa din ako ng Magwayen. Dinalaw ko sila sa workshop. Then, biglang may naglabas na ng cake. Tapos, may hinanda silang songs for me. Hinarana ako ng mga singers ng grupo. ‘Di pa dun nagtapos. Isa-isang lumapit sa akin ang mga members at nagbigay ng birthday cards. Na-touch talaga ako.

4. Ang daming nag-text para mag-greet. Yung iba nga, sobrang tagal nang wala akong contact. Sa Friendster at Multiply din, ang daming bumati. Tapos, almost everybody na makasalubong ko sa school ay binabati rin ako. Di ko alam kung paano nila nalaman. Record breaking ang birthday na to sa lahat ng birthdays ko sa dami ng greetings.

5. Binati ako ni Sarah Geronimo sa phone habang nasa location siya ng shooting ng A Very Special Love. We talked about her film and my desire to work with her in the future. Plus, I get to say I Love You sa isa sa mga idol kong singer. Nung Sunday, binati na ako in advance nina Melissa Ricks sa ASAP. Showbiz na showbiz, hehehe.

Friday, July 18, 2008

Wish List Ko for My Birthday

Dahil birthday ko naman sa Lunes, at minsan lang sa isang taon kung mangyari yun, may lisensya ako para maglabas ng wish list ng mga regalong gusto ko matanggap. Kung may pumatol, e di maganda. Kung dededmahin, okay lang din, magsolian na tayo ng kandila. Hahaha. Just kiddin'.

1. Alarm Clock - ang normal na tulog ko kasi ay alas-tres ng madaling-araw kaya hirap akong gumising. Kung merong alarm clock na nanununtok at naninipa, mas gusto ko yun. Tatanggapin ko rin yung alarm clock na nangunguryente at nangungurot ng utong.

2. Panyo - hindi basta ordinaryong panyo ang gusto ko. Gusto ko yung super absorbent, parang diapers. Lagi kasing pawis ang noo ko. 'Di raw maganda yun, sabi ng mga kaibigan ko. Para daw akong guilty at laging may itinatago. Mas maganda kung may tracking device yung panyo, kasi lahat ng panyo ko nami-misplace pagkaraan ng ilang oras.

3. Mane & Tail - shampoo at conditioner na nakakapagpatubo daw ng buhok. May taning na kasi ang bumbunan ko. Dahil sa global warming at climate change, unti-unti na akong nauubusan ng buhok.

4. Fitrum - isang box. Malapit na kasi akong mag-80 kilos. Mukha na akong care bears dahil sa laki ng tyan ko. Di na tuloy ako makita ng iba bilang isang sex object. Pag ibubuhol ko ang sintas ng sapatos ko, hirap na hirap ako dahil hindi ako makayuko.

5. Glasses - malabo na kasi ang mata ko. Hindi ko na makita ang totoong kulay ng ibang tao.

Looming Birthday

Haaay...

3 days to go before I turn 29. I looked in the mirror kanina. I look tired. maybe I should start loving myself more. Maybe I should take it slow, linger in each moment and just enjoy life. I've become an unstoppable machine, living in monotony.

Maybe I should wear a bling, learn hiphop, travel to Uzbekistan, skydive, join the army or just do anything outrageous just to get the blood pumping again.

I'm bored. Maybe it's time to skip this refrain and get to the chorus.