Romancing Baguio
Finally! Natuloy din kami sa Baguio ng mga kaibigan at katrabaho ko from PLM. Ang original plan namin noon ay magpunta ng Sagada, pero laging na-uunsyami. Buti na lang at sa pagtatapos ng November ay long weekend na, holiday pa. Kaya wala nang atrasan. Gorabels!
First time ko umakyat ng Baguio na lakwatsa lang ang aatupagin. Dati kasi, laging may training or seminar. First time ko rin na umakyat ng Baguio na naka-sasakyan, at first time din na dumaan sa Kennon Road. Pareho lang ang fear factor nito with Marcos Highway. Pero nag-enjoy ako sa byahe dahil sa mga bagong tanawin. Ang dami naming nadaanang waterfalls. Nakakalula din ang mga bangin pero hindi naman nakakahilo yung mga zigzag na daan. But it was all worth it dahil sa wakas ay nakita ko na rin ang famous Lion's Head ng Baguio.
Lima kami sa grupo - ang super corny pero tekkie na si Kuya Glenn, ang single at mayuming choir member na si Angie, ang sexy at pretty secretary ng Presidente ng Pamantasan na si Cathy, ang super bait at kulit na si Ryan, and of course, the one and only me.
Pagdating namin ng Baguio, gutom na kami. Hinanap namin yung masarap na lugawan sa Burnham. Alas-tres na ng hapon, pero damang-dama ang lamig. Grabe! It's so good to be back! Ang daming tao, punumpuno yung park. Hindi man namin nahanap yung lugawan, nag-pyesta naman kami sa inihaw na seafoods at bulalo sa isang karinderya malapit sa park. Da best bulalo I've ever had! Kaya lang, habang kumakain kami, ang background music namin ay yung labanan ng malalakas na boses ng mga tagatawag ng kostumer ng magkakatabing karinderya. Hindi lang pala mga jeep ang may barker, hehehe.
Eto mga na-realize ko during our Baguio Getaway:
Kahit saan ka magpunta, may mga Clean Comfort Rooms na pwede mong pasukan for a price. P5.00 pag jingle, P10.00 pag jebs, P20.00 pag gusto mong maligo. Take note, clean talaga ang Clean Comfort Rooms ng Baguio. May janitor na minu-minutong naglilinis. Lagot ka pag di ka nag-flush, sisitahin ka.

Mahirap pala magsagwan ng bangka. Madaling tignan pero dusa gawin. At eto pa, pag nagbangka ka sa Burnham Park, para kang nag-bump cars. Mabubunggo ka at ay mabubunggo ka, anumang iwas ang gawin mo. P60.00 for 30 minutes ang rate ng mga bangka. Mas mahal yung mga de pedal at swan boats. Para sa akin, pare-pareho lang silang nakakatakot sakyan (hindi kasi ako marunong lumangoy at praning ako na tataob kami at malulunod ako sa kulay lumot na tubig ng Burnham, hehehe).
May mga murang tirahan pala sa Baguio na pwede mong upahan ng tatlong araw lang. Nope, hindi po Teacher's Camp o YMCA ang sinasabi ko. Yes, mga transient houses po. Sa tapat ng istasyon ng Victory Liner, sasalubungin ka ng mga bugaw ng mga bagay na magbibigay sa yo ng panandaliang aliw, hehehe. Jackpot kami sa bahay na nakuha namin. P1800.00 for two nights and two days. Dalawa ang kwarto, fully furnished ang kitchen, may tv pa at malinis na banyo.